Chapter 5 Signs

374 9 1
                                    

**MONICA's**

"Les, ang sakit nang kamay ko"reklamo ko kay Leslie sa kabilang linya.

Wala si Lance kaya nakakapag cellphone babad ako.

Ngayon ko naa-appreciate yung mga unli-calls na madalas gamitin ng mga kasambahay namin sa Mansion.

Mura na!Unli-chika pa!

"Hay naku Monica!Ginusto mo yan kaya panindigan mo"!sabi ni Leslie sa kabilang linya.

Of all people aside kay Papa sya lang ang binibigyan ko ng karapatan na pagalitan ako. Alam ko kasi lahat ng sabihin nya tama para sa akin.

"Kahit na mamaga pa ang kamay ko kakalaba, hinding hindi ako uuwi"!sabi ko

"So pwes magdusa ka Lady Stokwa"!nagtatawa niyang sabi.

"Okey lang naman ako dito kaya lang nakakaka-inis pa din na kung hindi dahil sa kung sinumang lalaki na yun hindi sana ako nahihirapan ng ganito"!reklamo ko.

"At naghanap ka pa talaga ng masisisi noh"?sabi ni Leslie

"Ih basta!Yung lalaking yun ang may gawa"!insist ko naman kahit ang totoo naghahanap lang ako ng masisisi.

"Malay mo naman kung gusto ka din niyang pakasalan?"

"Swerte nya kaya kapag pinakasalan niya ako"!

"Swerte?Anong swerte dun eh heto nga at binibigyan mo na siya agad ng sakit sa ulo"nagtatawang sabi ni Leslie.

"I'm sure mayaman din ang gustong ipakasal ng Papa mo sa'yo!Sana bago ka naglayas inalam mo muna kung sino sya at tsaka mo kina-usap"

"What do you mean"?tanong ko.

"Tinanong mo sana sa Papa mo kung anong pangalan nung lalaking yun tapos kina-usap mo na hindi ka papakasal sa kanya"paglalahad ni Leslie. And after hearing what she said.

Tama nga siya!Bakit ko nga ba hindi naisip ang tungkol sa bagay na'yun. Baka nga ayaw din akong pakasalan ng lalaking yun.

"Alamin mo kung anong pangalan ng lalaking gustong ipakasal ni Papa sa akin" kapagdakay sabi ko kay Leslie. Baka may chance pa na hindi matuloy ang kasal kapag naka-usap ko yung lalaki. Or di kaya makikipagsabwatan ako sa kanya.

"At ako naman ang pinahirapan mo!Alam mo naman na sobrang masikreto nyang tatay mo"!

"Gusto mong mahirapan pa ako dito noh"?

"Pwede naman kasing hindi ka mahirapan all you have to do is to marry him"sabi ni Leslie sa kabilang linya,paminsan-minsan nahahawa siya sa pagiging conyo ko.

"No way!Magkakalyo man ang kamay ko hinding-hindi ako magpapakasal sa lalaking yun"madiin kong sabi.

"Gwapo ba yung boss mo"? Casual na tanong ni Leslie.

"Bakit mo tinatanong"?

"Basta!Gwapo ba"?

"Hmm sobrang gwapo"!amin ko naman.

"Sabi ko na nga ba ih!Kaya gusto mo dyan kahit nahihirapan ka na kasi ayaw mo siyang iwan"

"Of course not!Natatakot lang akong walang matirahan kaya I'm staying here"sabi ko kahit na alam ko sa sarili ko na tama nga si Leslie.

There's something about Lance na nagpapa-stay sa akin dito sa bahay nya.

Kahit suplado siya!

Kahit masungit!

Okey lang sa akin!

Sanay pa mandin ako na pinag-uukulan ng atensyon ng mga lalaki.

"Type mo noh"?tanong ni Leslie sa kabilang linya.

UNEXPECTED DESTINYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon