Chapter 32 Special Offer

300 12 1
                                    


**Monica's Pov**

"This is home" wala sa loob kong sabi nung finally nakapasok na ako sa loob ng kwarto namin ni Lance.

It's been a while pero wala pa ding nabago.

Nung buksan ko yung closet andun pa din yung mga gamit ko.

Nasa tokador pa din ang mga personal things ko.

"Wala akong pinabago dito sinced you left the house" nakasunod na pala si Lance ng hindi ko napapansin.

"Bakit"?tanong ko

"Dahil asawa pa din kita, kaya you have all the right para sa mga properties ko until ma-annull ang kasal natin" casual na sabi ni Lance.

Ouch naman!!

Sinabi pa talaga ang tungkol sa anullment.

"You'll be staying in bed, ako naman dun"turo nya sa sofa na nasa tabing bahagi ng kuwarto.

"Hindi naman ako madamot I can share the bed with you" casual kong sabi kahit na ang totoo gusto ko siyang kalapit.

"I'll be okey sa sofa! I don't want to harm you dahil malikot akong matulog"sabi ni Lance sabay talikod sa akin, feeling ko tuloy napilitan lang talaga siyang makisama sa akin.

Kahit na siya yung nag-insist na umuwi na ako sa bahay niya feeling ko ginagawa niya lang lahat because of obligation.

Dahil obligasyon niya kaming mag-ina.

But it doesn't mind to me at all ngayon kung ginagawa nya lang lahat ng ito because of obligations.

I have 5 mos.to be with him at susulitin ko yung mga araw na makakasama ko siya.

For the next five months magbabaon ako ng memories sa puso ko para kapag totally nawala na siya sa buhay ko, madami akong iti-treasure na memories dito sa puso ko.

Magpapaka Mrs.Lance De Vera ako for the next 5 mos.

**Lance Pov**

"Now that she's here, make time to tell her the truth" sabi ni Papa sa akin habang magkaharap kami over coffee.

"As much as I want to tell her the truth hindi naman pwede, not for the next five months"

"Kelan mo sasabihin"?

"After niya na sigurong manganak,  ayoko siyang bigyan ng burden habang buntis"

"Now that you we're given the chance to be a husband and a father make the best out of it!Huwag mo na akong gayahin"

"What do you mean"?

"When the time na buntis ang Mama mo sa'yo madalas wala ako sa tabi niya, wala ako everytime na nagpapa- checked up siya, wala ako sa katabi niya when she needed me most dahil naging busy ako sa negosyo"

"Sila ang buhay ko Papa"sabi ko, for the longest time ngayon na lang ulit kami nagka-usap ni Papa ng ganito.

"Huwag mong hayaang mawala sa'yo ang mag-ina mo"

"That won't happen Papa, I'll make sure na hindi kami maghihiwalay ni Monica"

"So better na this time maiparamdam mo sa kanya ang tunay mong nararamdaman, huwag kang matakot ipakita ang tunay na laman nito" sabi ni Papa sabay turo sa tapat ng dibdib ko.

It's a relief na nararamdaman ko na suportado nya ako.

It's a great feeling pa din na may tatay ako, and now that I'm going to be a father I will make sure na magiging mabuting ama ako sa anak ko.


UNEXPECTED DESTINYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon