Chapter 9 Unexpected Offer

511 15 5
                                    

**LANCE POV**

"I think wala na tayong choice" baling kong sabi kay Leslie after kong makipag-usap sa receptionist ng hotel/resort na pagdadausan ng seminar. Nawala sa isip ko na babae nga pala ang magiging assistant ko sa seminar, hindi ako nakapag-reserve ng room for Leslie.

"Sir naman ih! Wala sa usapan natin na magsi-share tayo ng room"! nakasimangot na sabi ni Leslie at hindi ko siya masisisi kung ganun yung reaction nya. Hindi naman kasi normal na magsama ang isang babae at lalaki sa iisang room lalo na kung wala naman relasyon.

"Okey lang naman yata sa girlfriend nyo Sir"! sabi pa nung receptionist.

"Hindi ko siya boyfriend"!

"Hindi ko siya girlfriend"! magkasabay pa naming sabi ni Leslie. At nagkatinginan na lang kami pareho. Pormal na pormal ang hitsura ni Leslie.

"Ay ganun po! hassle nga po yan! Hindi naman po kasi kami na-inform na babae ang assistant ni Sir Lance De Vera" sabi ng receptionist.

"We'll take the room"! sabi ko na lang without asking Leslie.

"Ayoko"! madiin na sabi ni Leslie sa kalapit ko.

"Wala na tayong choice! Baka mamaya nyan wala na tayong makuhang bakanteng kuwarto"baling kong sabi kay Leslie.

"Ang awkward naman kasi Sir eh! Babae ako! Lalaki ka! Boss kita! Katulong mo ako tapos share tayo sa isang room" sabi ni Leslie.

"Walang problema sa akin sharing a room with you"! tila nang-iinis na sabi ko, wala din namang magagawa ang pagtutol nya.

"Sa akin Sir meron! Dalagang Filipina ako"! sabi niya

"Harmless ako"! Tsaka madaming babae jan kung gugustuhin ko"! sabi ko pa!

"Natatakot ka bang may gawin ako sa'yo"? tanong ko kay Leslie na planong asarin lang sya.

"Don't you dare"!sabi niya halatang nainis naman. Ang talim ng tingin niya sa akin.

"Ikaw lang ang naglalagay ng malisya eh! Promise I won't do anything" sabi ko na lang, tsaka binalingan ang receptionist na animo kinikilig.

"Anong room no. namin Ms"? tanong ko sa receptionist pero hindi siya agad sumagot.

"Sobrang bagay kayo Sir! Ma'am" kinikilig niyang sabi.

"You think we can have beautiful babies"? ewan ko kung bakit ko naitanong yun. Is it because napi-picture ko sa isip ko si Leslie to be the mother of my children or gusto ko lang asarin si Leslie sa katabi ko. Naghintay ako ng pag-angal mula kay Leslie pero wala siyang sinabi. Nang lingunin ko siya, she's blushing!

"Your blushing"! tudyo kong sabi kay Leslie

"Paano naman kasi Sir, kung ano-ano yang sinasabi mo!" sabi niya sabay baling sa receptionist.

"Ano yung room No. namin ni Sir Lance"? tanong niya na sadyang nilagyan ng diin yung Sir. Siguro para maipahatid sa receptionist na boss nya lang ako!

"Room No. 105 Sir" sabi niya sabay abot sa akin ng susi.

"Thank you"! at tsaka umuna na ako sa paglakad.

"Bilisan mo!" sabi ko sabay nilingon si Leslie pero hindi pala siya sumunod sa akin. Kaya binalikan ko pa siya.

"I'm sorry pero wala kang choice kundi maki-share ng room sa akin" casual kong sabi but deep in side puno ng anticipation ang puso ko.

Sharing a room with her is a different scenario than the usual set-up namin sa condo ko.

Naiintindihan ko naman ang hugot niya! Sharing a room with a man is totally an awkward situation. Kahit ako siguro kung may choice hindi ako makikipag-share ng room kay Leslie.

UNEXPECTED DESTINYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon