Chapter 9: Invitation
Hindi ko alam kung nag-dilang anghel lang ba ang magaling na si Trisha o consistent lang si Tres sa pagiging inconsistent. Pero sa one week na nagdaan, wala na kong balita sa kaniya.
Buti pa ang espirito, nagpaparamdam. Pero si Tres? Naligaw na ata sa purgatoryo.
Sabagay, 'di naman siya espirito dahil siya si Satanas. At sabagay ulit, sobrang okay nga 'to kaysa maasar ako nang maasar tuwing nakikita ko siya.
Sobrang nakakagaan lang ng loob na sa wakas, tahimik na ang buhay ko.
Bukod kasi sa MIA na si Tres, unti-unti na ring nawawala ang atensyon ng mga tao sa pananampal issue ko. Pati iyong Instagram post ni Veroxx, hindi na rin gaanong pinapansin.
Buti naman at naisipan din ng mga tsismoso, malisyoso, at pakialamerong mga tao na tigilan na kami ni Veroxx, 'no?
Laking tulong din kasi ng pagtatanggol niya sa 'kin. Sobrang laking pasasalamat ko talaga sa kaniya!
Pero kahit wala na masyadong negativity online, sinusubukan ko na lang ding huwag magbasa-basa ng comments sa previous articles tungkol sa issue.
Hindi naman kasi talaga natin makokontrol ang sasabihin ng iba pero pwede nating kontrolin kung ano lang 'yong pumapasok sa buhay natin.
Huling nabasang comment ko na ata ang:
tingtingcutie am i the only one?😩😩 why does he sounds like her boyfriend? what if the misunderstanding that he mentioned is like their lq?😗😗
Napapailing na lang talaga ako sa lawak ng imagination ng mga tao! Marami talagang nagpapakain na sa sistema ng social media.
Kaya mabuti talagang hindi ko na lang sila pinapansin. Nakakaloka na, nakakaasar pa! At mas mabuting hindi ko sila hinahayaang maapektuhan ako.
Sobrang importanteng pangalagaan ang mental health. Taking good care of it is the key to genuine happiness and peaceful life.
"Thank you to all our faculty members as well. Have a good day," pahuling salita ni Ms. Leialyn Fulache, 'yong department chair namin.
Pagkarinig n'on, dali-dali akong tumayo at sinukbit ang strap ng backpack ko sa balikat para makaiwas sa kwentuhan. Kung may after-party kasi, sa department naman namin ay may after-chikahan.
Sinigurado kong walang nakapansin sa 'kin n'ong umalis ako sa pwesto ko. Para hindi naman nakakahiyang bigla akong sumibat, 'no! At saka para hindi naman ako magmukhang bastos.
Kailangan ko na kasing umuwi dahil kung hindi, maaabutan ako ng traffic. Monday pa naman ngayon, iba ang hagupit ng trapiko!
Pagkalabas ng mini auditorium, nag-desisyon akong maghagdan na lang. Nasa third floor lang naman 'to, para ma-exercise-exercise naman ako kahit pap'ano.
Habang naglalakad, nakaramdam ako bigla ng pagod.
Marahan ko munang minasahe ang likod ko gamit ang kaliwang kamay. Sunod kong ginawa ay saglit namang inikot pakaliwa ang ulo.
Four hours straight ba naman ang meeting. Kaya kahit nakaupo at pasalita-salita lang ako minsan d'on, sobrang nakaka-drain pa rin.
May mga importante kasing na-discuss at na-analyze kanina, tulad ng cheating incidents, plagiarism, difficulties of students, concerns of the faculty, and a lot more. Kaya ang utak ko, halos maubos ang storage capacity.
Buti na nga lang at na-notify ko na ang mga estudyante ko last week na wala kaming pasok. Next week na ulit kami magkikita-kita. Kaya magpapahinga na lang muna siguro ako mamaya pagkauwi.
BINABASA MO ANG
Driven by the Star (Ford Cousins #1)
General FictionMayumi, a 25-year old respected lecturer in a university, finds out about her hot celebrity boyfriend's cheating incidents, Tres, through the most popular actor in the country whom she slaps in public, Veroxx, and as a consequence, the public punish...