Chapter 32: Babi

261 16 1
                                    

Chapter 32: Babi

Mag-isip ka, Yumi. Mag-isip ka...

"Mayumi?" tawag atensyon sa 'kin ni Veroxx na nagpabalik sa 'kin sa wisyo. Compared kanina, mas nag-aalala na ang boses niya this time. Sobrang lapit pa nga ng mukha niya sa screen eh, para niyang chine-check kung kumusta ako.

Pero hanggang ngayon, nakatunganga pa rin ako sa cellphone ko— kinakabahan at walang maisip na sasabihin. Idagdag pa na ang gulo ni Jiro sa may dibdib ko. Ayaw ba naman kasing tantanan 'yong buhok ko! Nadadala na nga niya ang ulo ko sa higpit ng kapit at lakas ng hatak niya. Parang hindi maliit na pusa eh!

Lalo tuloy akong hindi makapag-isip nang mabuti. Hindi ko alam kung anong ipapalusot ko kay Veroxx kung bakit ako napatawag.

"Are you fine? Shall I go to your place now?" tuloy-tuloy niyang tanong na nagpataranta sa 'kin. Talagang nanlaki nang husto ang mga mata ko!

Tingin kay Veroxx, tingin sa sarili ko, at tingin kay Jiro ang sunod-sunod kong ginawa. Nang maibalik ko ang atensyon kay Veroxx, napansin kong mukhang naglalakad na siya ngayon. Bumilis tuloy lalo ang tibok ng puso ko.

Ang nakikita ko na lang ay 'yong angle mula sa baba niya. Hindi ko alam kung nas'an siya pero mukhang nasa loob siya ng isang building.

I bit my lip out of frustration.

Yumi, mag-isip ka! Anong gagawin mo ngayon? Anong sasabihin mo?!

Kapag sinabi ko kasing napindot ko lang accidentally ang call button, parang masyadong unrealistic! Tipong para akong katulad ng ibang kabataan na para-paraan mapansin lang ng crush nila sa social media, gan'on.

Nagdesisyon na lang akong damputin ang cellphone ko. Muntik ko pa ngang mahulog dahil sa panginginig ng mga kamay ko.

Habang nag-iisip ng sasabihin, madaling-madali kong inayos ang buhok ko. Nakikipag-agawan pa nga si Jiro. Ang kulit! "Ano, Veroxx..." natataranta kong panimula. Hindi ko alam kung magsasabi ba ako ng totoo o magpapalusot na lang.

Sa huli, nakagat ko lang ulit ang ilalim kong labi dahil sa kaba.

Huminto si Veroxx sa paglalakad at saka tumingin sa 'kin. Para ko tuloy nahigit ang sarili kong hininga. Dali-dali kong inangat ang cellphone ko para tanging mga mata pataas na lang ang kita niya sa 'kin.

Ano ba 'to! First time na nga lang naming mag-video call, epic failed pa. Si Jiro kasi talaga eh!

"What's happening, Mayumi? Please, tell me..." pagmamakaawa ni Veroxx. Kunot ang kaniyang noo at mukhang frustrated na rin base sa emosyon ng mga mata niya. "Are there reporters outside your house? Is there someone trying to mess with you? Tell me, Mayumi..." Humina ang boses niya sa huli. Kita ko pa ang pagkagat niya sa gilid ng ilalim niyang labi.

Napatungo ako. Sobra akong nakaramdam ng pagkakonsensya.

"I'll talk to you later. Something more urgent came up," seryoso niyang saad na parang hinigit ang hininga ko.

Inangat ko agad ang mga mata ko but only to see that he is facing sidewards, mukhang may kausap siyang iba. I even heard a voice of another person, a man to be exact, answering him, "Call me ASAP."

Sinagot naman 'yon ni Veroxx ng, "Sure," at saka binalik ang tingin sa 'kin.

Hindi ko kayang salubungin ang titig niya kaya napatungo na lang ulit ako. Si Jiro, bumaba na sa gilid ko.

"Sorry kung pinag-alala kita, Veroxx," nahihiya kong bulong sabay kagat sa ilalim kong labi.

Sabihin mo na lang ang totoo, Yumi. Para matapos na 'tong kahihiyan mo at pag-aalala n'ong tao...

Driven by the Star (Ford Cousins #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon