Chapter 13: Display

418 29 27
                                    

Chapter 13: Display

"Oh, nandito na pala si Yumi."

Nabalik lang ako sa ulirat nang banggitin ni mama ang pangalan ko. Napatingin tuloy agad sa direksyon ko si Veroxx. And the moment our eyes met, my face suddenly get hot.

Hindi ko alam kung ano 'yon at kung bakit pero para akong gaga na nagmamadaling umiwas. Inangat ko na lang ang tingin ko kay mama, nagtataka kung bakit niya ko tinawag.

Excited na excited ang boses niya nang utusan niya ko, "Halika rito, Yumi!" Ginalaw niya pa sa hangin 'yong kamay niya, hudyat na pinapapunta niya ko sa pwesto niya.

Kahit nalilito kung anong nangyayari, naglakad na lang ako palapit sa kaniya. Nakatayo lang siya sa gilid ng pinto ng kusina habang ngiting-ngiti.

Gusto ko siyang asarin na para siyang may masamang balak kung makangiti siya. But no matter how much I wanted to do it so, may kung anong hiyang dumapo sa dibdib ko.

Nang nasa tapat na ko ni mama, marahan niyang hinawakan ang braso ko at saka 'yon hinaplos-haplos. Napaigtad tuloy ako sa kinatatayuan ko.

P'anong hindi? Nakakapanindig-balahibo kaya ang mga kilos niya! Bakit ba kasi may pa-change of attitude si mama ngayon?

Don't tell me... naga-gwapuhan siya kay Veroxx? Para kasi siyang dalaga na nagpapa-cute sa crush niya!

At hindi pa talaga siya nakuntento ah, inilapit pa niya ang mukha niya sa kanan kong tainga. Napaangat tuloy 'yong balikat ko dahil sa kiliting naramdaman.

Ang lakas niya maka-bagets nang humagikhik siya sa gilid ko habang binubulong sa 'kin, "Nakakatuwa namang may napapadpad na ritong anghel, Yumi."

She distanced herself from me before planting meaningful glances on Veroxx, still wearing her smiles. Matik tuloy akong napatingin din sa gawi ng bisita.

He is busy caressing the back of Jiro while smiling from ear to ear. Kitang-kita tuloy ang dimple niyang nakakaakit— ay... este malalim pala! At ang pusa ko? Ayon! Mukhang sarap na sarap naman sa haplos ni Veroxx.

Hindi ko tuloy naiwasang mapangiwi dahil sa hiyang nararamdaman. Mukha kasing feeling close si Jiro kay Veroxx, pero p'ano pa si mama, 'no? Ano kayang pinag-usapan nila habang wala ako?

Mapapa-pray ata ako sa lahat ng diyos na sana naman hindi gumana ang pagiging usisera ni mama kanina!

Pero bakit ba kasi nandito si Veroxx at p'ano niya nalamang dito ako nakatira?

Mula sa malalim na iniisip, naagaw ang atensyon ko nang bumulong na naman si mama sa may tainga ko. Agad ko siyang nilingon at ang bumungad sa 'kin ay 'yong nanliliit niyang mga mata.

"Umamin ka ngang bata ka, siya ba ang pinalit mo kay Tres?" tanong niya sa madramang tono na nagpakunot sa noo ko. "Hindi kita papagalitan na may bago ka kaagad. Basta magsabi ka lang ng totoo," seryoso niya pang sambit na tila hinihikayat ako 'to spill the tea'... kahit wala namang dapat sabihin.

I couldn't help but burst into laughter. Pero iyong tawang hindi makapaniwala na medyo nahihiya.

Let's be real here kasi...

Ako? Papatulan ni Veroxx?! Masyado namang malawak 'yong imagination ni mama kung gan'on.

"Mama naman!" natatawa kong saway sa kaniya na may kasama pang paghampas sa braso niya. Pero mahina lang naman 'yon, 'no!

"In denial pa 'tong anak ko," natatawa niyang kumento sabay haplos na naman sa braso ko. Matik tuloy akong napangiwi dahil sa tono at kinikilos niya. "Huwag kang mag-alala dahil ngayon pa lang, boto na ko riyan," she smilingly assured me before pursing her lips, low-key pointing on Veroxx' direction. Pati tuloy ako, napatingin sa kaniya.

Driven by the Star (Ford Cousins #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon