Chapter 16: Beautiful home

379 20 10
                                    

Chapter 16: Beautiful home

"Dito ka ba nag-aral?" tanong ko kay Veroxx pagkaupo namin sa sementadong bench

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Dito ka ba nag-aral?" tanong ko kay Veroxx pagkaupo namin sa sementadong bench.

Nasa tapat namin ang malawak at malinis na soccer field. Alternate na light at dark green ang colors ng grass n'on pero parang artificial lang.

May mataas na net din sa harap namin na naghihiwalay sa field at dito sa pwesto namin. Para kaming audience, gan'on.

"O baka may kamag-anak kang faculty member dito? Kaya tayo nakapasok?" sunod-sunod ko pang hula na ikinangiti niya bago siya umiling.

Tumingin siya sa may harapan kaya ginaya ko naman siya. He also extended his legs na parang nasa bahay lang kami.

Medyo napaigtad lang ako nang bahagya niyang i-extend din ang pareho niyang kamay para ipatong sa likurang bahagi niya. Palihim tuloy akong napatingin sa magkalapit naming mga daliri.

When I came back to my senses, I slowly placed my tote bag in between us.

Hindi naman sa hindi ako komportable kaya ginawa ko 'yon. Ano kasi... sobrang lapit niya sa 'kin.

"No," malumanay niyang sagot na nagpaangat ng tingin ko sa kaniya. Nakapokus pa rin ang mga mata niya sa field. "There's this sticker on my car, so I can pick up Alya. Siya 'yong estudyante rito," pagpapaliwanag niya na bahagyang nagpasimangot sa 'kin.

Sino naman 'yang si Alya? Don't tell me, siya ang totoong girlfriend?

Nagpa-sticker pa talaga siya sa kotse niya para sa Alya na 'yon, gan'on? Gumastos at nag-effort pa?

Wow. Ang sweet naman pala.

Bigla siyang napalingon sa 'kin na may nangungusap na mga mata. Dali-dali ko tuloy inayos ang reaksyon ng mukha ko.

Out of nowhere, he added, "She's my cousin's best friend."

Napatango-tango na lang ako. "Ah, best friend ng pinsan mo," pag-uulit ko pa at saka tumingin sa field.

Wait! Sandali...

Best friend ng pinsan niya? 'Yong Alya na 'yon?!

Agad akong napalingon kay Veroxx na nakatingin pa rin pala sa 'kin.

Nagtataka ang mga mata ko at kunot na rin ang noo ko nang itanong, "Kung best friend siya ng pinsan mo, bakit kotse mo ang may sticker?"

Matik siyang napatawa dahil sa tanong ko. Habang ako, abang na abang naman sa isasagot niya.

Nang magseryoso siya, naiiling niyang sambit, "Ginagawa akong alipin ni CA," at pabiro pa siyang napa-'tsk'. Bahagya tuloy akong natawa, naaaliw sa reaksyon niya.

"Whenever he's not around, he'll ask us a favor to send off or pick up Alya. Kahit pahinga ko, uutusan pa ako niyan." Napasimangot siya sa huling sinabi kaya lalo akong natawa.

Driven by the Star (Ford Cousins #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon