Chapter 38: Confrontations
Sumalubong sa 'kin ang ngiti ni Tres na hindi ko naman gustong makita. At makikita ko pa ba 'yan kung ipo-post ko online ang video nila? Malamang... hindi.
A part of me was telling me to do it. Pero na-delete ko na 'yon kanina pagkakita na pagkakita ko r'on.
Para saan pa kung ipo-post ko? Eh hanggang maaari nga, ayaw ko ng magkaroon pa ng kahit anong bakas ni Tres sa buhay ko.
Bahala na siya sa buhay niya. Sawa na kong mabwisit sa kaniya. At lalong ayaw ko ng putaktihin pa ng mga tao online.
Buti nga't sa post niya kagabi, wala namang nambash sa 'kin. Puro sa kaniya at kay Rizzi ang tanong. May ilang hurtful comments para sa kaniya pero, puro gustong maki-tsismis ang nasa comment section.
People. People and their uncontrollable and insensitive prying.
They don't care about the situation of the persons involved in an issue but only about the story. Para may mapag-kwentuhan na bubusog sa utak nila. Little do they know, consuming rumor-related content may give them short-term happiness but their irrelevant comments can leave a long-term bad impact on others.
Pilit akong ngumiti sa harap niya. Susubukan ko kung gagana sa kaniya ang technique na naiisip ko. Kalmado kong payo, "Be mindful of your actions next time. Buti't 'di ka masyadong na-bash, lalo pa't may loveteam kayo ni Rizzi."
Napakunot-noo siya, halatang hindi niya nagustuhan ang narinig. Tumindig siya ng pagkakatayo bago binigyan ng diin, "Alam ko ang ginagawa ko, Yumi."
Marahan akong napatango-tango. Pilit hinahanap ang mga tamang salita na makakapagpaamin sa kaniya kung ba't niya 'yon ginawa.
Kalmado pa rin ako nang ipaalala ko sa kaniya, "Sinasabi ko lang— iba na ang mundo sa online ngayon. Masyado ng dumarami ang mga taong ginagawang priority sa araw-araw ang paggamit ng social media platforms."
Kumunot lalo ang noo niya. Magsasalita sana siya nang dire-diretso kong litanya, "At ang dami rin nila na todo makakonsumo ng entertainment news at tsismis na content. Kaya ingat-ingat ka dahil marami sa kanila ang mahilig mangialam sa buhay ng may buhay. What if, sa susunod, ikaw na ang target nila?" I raised my left brow at him.
Napangisi siya bigla. Nanlilisik na rin ang mga mata niya. Sa puntong 'to, alam kong bibigay na siya.
He took a few steps towards me. Nang ilang dangkal na lang ang pagitan namin, huminto siya.
Halatang nanggagalaiti ang tono niya nang itanong, "Mukha ba kong bobo, Yumi? 'Di ko isusugal ang career ko kung alam kong dehado ako. Kita mo?" Inangat niya ang kamay niya na tila pinapakita sa 'kin ang taas niya. "Mas lalo akong sumikat. Pati followers ko, umangat."
Binaba niya ang kamay niya. I saw how he intensely rubbed his tongue against his cheek in circles. Maangas niyang bulong, "Alam ko ang ginagawa ko. At alam ko kung kanino ako didikit."
His last words gave me a hint. Wala ng patumpik-tumpik pa nang itanong ko, "Kanino?" challenging him to say the name.
Napangisi siya ulit. Mayabang niyang sagot, "Kanino pa ba? Sa manager ng gago mong kalandian."
Matik na kumunot ang noo ko. Nagpantig talaga ang mga tainga ko sa narinig.
Kalma, Yumi. Kalma. Huwag mong pairalin ngayon ang igsi ng pasensya mo.
Mariin kong kinuyom ang mga palad ko para kumalma. Nang sa gan'on, makakakuha pa ko ng impormasyon mula kay Tres.
"May connection ka kay Gel?" tanong ko, pilit inaalis ang inis sa boses ko.
BINABASA MO ANG
Driven by the Star (Ford Cousins #1)
General FictionMayumi, a 25-year old respected lecturer in a university, finds out about her hot celebrity boyfriend's cheating incidents, Tres, through the most popular actor in the country whom she slaps in public, Veroxx, and as a consequence, the public punish...