Chapter 24: Gift
Halos gusto kong sampalin ang sarili ko nang ngayon ko lang ma-realize na tinatanong nga pala kanina ng employee kung ako si Mayumi! Bakit ba hindi ko kaagad naintindihan 'yon?
So... ako talaga ang pakay nila? Pero... bakit?
Pinili ko na lang ngumiti nang batiin ko si Alejandro. "Hello!" Unconsciously, napabalik ang tingin ko sa mini truck. Matik akong napakunot-noo. Naguguluhan kong tanong, "Anong mayr'on?"
Nang magsalita si Alejandro, napabalik ang tingin ko sa kaniya. Pero ngayon, nasa tapat ko na siya at katabi niya na ang employee. "Na-deploy kami ng feeling boss eh," natatawa niyang sagot na ginulo lang lalo ang utak ko.
Itatanong ko sana kung anong ibig niyang sabihin pero natigil ako nang may isa pang lumapit sa 'min. Promptly, nilingon ko siya.
At nang makita ko kung sino, napakagat na lang ako sa ilalim kong labi. Hindi ko kasi alam kung dapat ko rin ba siyang batiin. Medyo kinabahan kasi ako na baka sungitan niya lang ako!
But at the end, nahihiya ko pa rin siyang binati. "Hello Karl.." And thankfully, hindi— pinansin niya ko! Nakahinga na ko nang maluwag dahil d'on.
"Good morning," bati niya pabalik pero wala man lang kaemo-emosyon. Pero okidoks na 'yon, 'no. Kaysa naman simangutan niya ko!
Pinaglihi ata itong si Karl sa sama ng loob eh? Hayaan na nga...
"Pwede ba kaming pumasok?" tanong ni Alejandro kaya napunta ulit sa kaniya ang tingin ko.
Hindi ko alam kung nabingi ba ko o ang gulo lang talaga niyang kausap today. Nanliit tuloy ang mga mata ko sabay tanong, "Huh?" Napahinto ako sandali para i-process ang sinabi niya. Nang tignan niya ang gate, feel ko, gusto niya atang pumasok. Kaya kahit nagtataka, sinabi ko na lang, "Sige."
Binuksan ko naman ang gate at saka ako gumilid.
Pero imbes na pumasok agad, bumalik muna si Alejandro sa kotse niya. Binuksan niya 'yong pinto sa may second row at saka kinuha 'yong tatlong eco bag sa captain's chair.
Pagka-slide pasara ng pinto, agad siyang naglakad papunta sa tapat ng gate. Huminto siya sandali para lingunin si Karl na nasa likod niya bago sila sabay na pumasok. Akala ko nga, magtutuloy-tuloy na sila sa bahay pero tumambay lang sila sa gilid sa may tapat ko.
Ano bang trip ng mga 'to?
Nahuli ko ang mga mata nilang nakatingin sa labas. At dahil nahahawa na ko sa pagiging usisera ni mama, sinundan ko naman 'yon ng tingin. Pero ang nangyari, nagulat lang ang buo kong pagkatao!
Nanlalaki ang mga mata ko't nakaawang na rin ang mga labi ko habang pinapanood ang tatlong employee na buhat-buhat ang standing air con.
Binalik ko ang tingin ko kay Alejandro. Hindi ko makapaniwalang tanong sa kaniya habang nakaturo sa air con, "Ano 'yan?!"
"Ah... air con?" natatawa na naguguluhan niyang sagot habang ang mga kilay ay halos magdikit na.
Napangiwi tuloy ako.
"Hindi, hindi. Ang ibig kong sabihin, para s'an 'yan?" pag-iiba ko ng tanong.
BINABASA MO ANG
Driven by the Star (Ford Cousins #1)
General FictionMayumi, a 25-year old respected lecturer in a university, finds out about her hot celebrity boyfriend's cheating incidents, Tres, through the most popular actor in the country whom she slaps in public, Veroxx, and as a consequence, the public punish...