Chapter 17: Ford

332 22 9
                                    

Chapter 17: Ford

"Gusto mo bang magsimba?" tanong ni Veroxx out of the blue. "Bago tayo umuwi?" dagdag niya pa.

Matik na napakunot-noo ako.

Seryoso ba siya? Inaaya niya talaga akong mag-church? O gusto niya lang kasing mag-change ng topic?

Nalilito ko tuloy na tanong pabalik, "Pareho ba tayo ng religion?"

Promptly, he sheepishly smiled at me. It looks like he finally realized that he asked a random question.

"Catholic. And you?" he mumbled with concern and shame flashing through his eyes at the same time.

Pinilit kong ngumiti para hindi naman siya mapahiya. He doesn't deserve that. "Hindi eh. Pero—"

"Kung ako binanatan ng ganiyan, sasabihin ko, 'bakit, pakakasalan mo na ba ako?' Gan'on dapat, ate!" singit ng pakialamerang babaeng hindi naman pamilyar sa 'kin ang matinis at malakas niyang boses.

Kumunot tuloy ulit ang noo ko bago ako lumingon sa may likuran ko.

There, I saw a young woman walking towards us.

Matangkad siya na medyo payat at morena. Suot-suot niya ang may kalakihang puting shirt na tinerno sa jeans at itim na rubber shoes.

Her hair is in a messy bun. Pero iyong tipo na super messy bun talaga!

May maninipis siyang kilay habang bilugan naman ang mga mata niyang nakasalamin. I like her specs! It has round lenses and half-rim silhouette in a color of rose gold.

Tapos iyong ilong niya ay may pagka-pango. Pagdating sa mga labi niya, medyo malamlam naman ang mga iyon.

Pero kung usapang kutis lang din? Uwian na! Sobrang kinis kasi niya na mapapasabi talaga ang iba ng, 'drop your skincare routine naman diyan!'

Patawa-tawa siya habang nakatingin sa 'kin. Hindi ko tuloy naiwasang mapataas ang parehong kilay ko.

Wow. Feeling close lang? Kinabog sina Trisha at mama ah?!

Huminto siya sa tapat namin ni Veroxx at saka tumingin sa huli. Nakita kong biglang nagbago ang reaksyon ng mukha niya— para siyang natakot na ewan.

Sa kyuryosidad, napalingon ako kay Veroxx para malaman kung bakit.

Pero pagtingin ko sa kaniya, nakatitig at nakangiti na siya sa 'kin.

Pasimple tuloy akong napasimangot. 'Di ko man lang kasi naabutan kung bakit natakot 'tong babae!

"Mayumi, meet Alya," nakangiting pagpapakilala ni Veroxx sa dalaga. "Alya, this is Mayumi."

Napatango-tango ako sabay harap kay Alya.

So... siya pala si Alya? 'Yong kaibigan ng pinsan ni Veroxx na si CA?

"Ah... siya pala 'yon..." nakangising sambit niya habang nakatingin sa 'kin. Sunod niyang tinignan si Veroxx tapos tumingin ulit siya sa 'kin.

Nginitian ko siya at makikipagkamay na sana nang sumingit si Veroxx. "Behave," he whispered before clearing his throat.

Napakunot tuloy ang noo ko, iniisip kung ako ba ang tinutukoy niya o si Alya.

Nang tignan ko siya, naabutan kong nakatitig siya sa dalaga kaya inisip ko na lang na hindi ako ang kausap niya.

Haharap pa lang sana ako kay Alya para pormal na magpakilala pero agad na nag-aya si Veroxx na umalis. "Let's go," he uttered with a small smile on his face.

Naiilang na napangiti na lang tuloy ako kay Alya at saka kami sabay-sabay na naglakad papuntang parking lot.

Nang nasa tapat na kami ng Mustang ni Veroxx, agad niyang binuksan ang passenger seat.

Driven by the Star (Ford Cousins #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon