Chapter 14: With you
Dahil hindi ko na kinakaya ang paghaharumentado ng puso ko, ibinaba ko muna si Jiro sa pagitan namin ni Veroxx.
"Kunin ko muna 'yong mga pagkain," nahihiyang pagpapaalam ko sa kaniya, pilit na nilalabanan ang epekto ng titig niya.
"Sure. I'll watch over him," nakangiting sagot niya kaya agad akong tumayo at dumiretso sa kusina.
Nang nasa tapat na ng mesa, napatigil na lang ako sa paglalakad sabay patong dito ng pareho kong kamay. Kusang kumurba ang mga labi ko kaya dali-dali kong tinakpan ang bibig gamit ang kanang kamay.
"Nasisiraan na ata ko ng bait," bulong ko sa sarili habang nakatakip pa rin ang kamay sa bibig.
Parang kaninang umaga lang, halos bumaha na sa university dahil sa iyak ko. Tapos ngayon, kung makangiti ako, akala mo nanalo ako sa lotto!
Ano ba 'tong mood ko? Hindi ko na talaga maintindihan. Nahahawa na ata ako kay mama sa pagiging moody niya!
Oo. Tama. Gan'on na nga.
Napatango-tango ako at saka kumilos na para kunin ang plato ni Jiro sa drawer katabi ng platuhan namin.
Pagkatapos, naghugas na ako ng kamay at saka naghimay ng chicken. Hindi ko na sinama 'yong buto dahil masamang makakain ang pusa ng ganito, lalo na't pritong-prito ang manok.
Nang maitapon na sa basurahan ang buto at makapaghugas ng kamay, inabot ko na 'yong plato ng chiken ni Jiro pati isang supot na may lamang burger at fries.
Kapareho nito 'yong mga binili rin ni Veroxx noong nakaraan para sa 'min ni mama. But different from the last time, tatlong iba't ibang restaurant ang binilhan niya ngayon ng mga pagkain.
Dinaig niya pa ang ibang public officials. Kabog sa pagpapaayuda eh!
Nakangiting napailing na lang ako sa sariling naisip.
Pagbalik ko sa sala, naabutan kong may ka-video call si Veroxx.
Magsasalita sana ako pero natigilan ako nang tumawa siya pati iyong nasa kabilang linya. Batay sa tono, mukhang babae 'yon...
Bigla na lang bumagal ang tibok ng puso ko. Para na nga rin akong si Squidward sa sobrang lungkot ng mga labi ko.
Hinayaan ko na lang 'yon at saka inilagay ang supot sa sofa. Pagkatapos, marahan akong lumuhod para ibaba ang plato ni Jiro sa sahig. Matik siyang tumalon pababa kaya napangisi tuloy ako.
Parang kanina lang... ayaw niyang kumalas kay Veroxx. Pero ngayong may pagkain ako... lapit-lapit siya!
"Here's Mayumi," I heard Veroxx introducing me to the woman he's talking to.
Girlfriend niya ata. Baka selosa kaya ipapakilala ako.
Walang gana akong tumingin sa kaniya. Bumungad sa 'kin ang cellphone niyang nakatapat sa pwesto ko.
Confirmed! Babae nga.
Mukha siyang mas matanda sa 'min. Sugar mommy ba 'to ni Veroxx?
Ewan ko. Malay ko ba.
Basta maigsi ang buhok niya, manipis ang kilay, dark brown ang mga singkit na mata, at maninipis din ang labi. 'Yong baba niya, may kahabaan.
Kung titignan, mas maganda ako sa kaniya.
Ay wow, Yumi, may nakikipagpaligsahan ba sa 'yo? Ano 'to, beauty contest? Kailan mo pa natutunan ang pag-compare-compare na 'yan?!
"Hello, gorgeous," masiglang pagkausap sa 'kin n'ong babae. Oh, 'di ba? Kahit siya, alam niyang maganda ako!
BINABASA MO ANG
Driven by the Star (Ford Cousins #1)
General FictionMayumi, a 25-year old respected lecturer in a university, finds out about her hot celebrity boyfriend's cheating incidents, Tres, through the most popular actor in the country whom she slaps in public, Veroxx, and as a consequence, the public punish...