Chapter 39: Revelations and learnings
It took me an hour before I got finally home.
Sa wakas!
Pagpasok sa loob ng bahay, winasi-wasiwas ko na lang ang paa ko para matanggal ang sandals. Gan'on din ang ginawa ko sa kabila.
Nang matapos, pagod na pagod kong tinumba ang sarili sa sofa. I extended my hand from both of my sides as I closed my eyes.
Makakapagpahinga na rin...
Makakapagpahinga malayo sa ingay ng mundo, mapanakit na mga tao, at mga kasinungalingan.
Kailan ba ko tatantanan ng mga mapagbalat-kayong tao? Hindi ko naman sila kailangan sa buhay ko. Please naman, huwag na silang mag-volunteer na makipag-friends. No thanks, malala.
"Sinabi na sa 'kin ni future son-in-law ang mga nangyari. Gusto mo ba ng yakap, aber?" kalmadong alok ni mama.
Kahit nakapikit, ramdam ko ang papalapit niyang yabag.
Nang tumigil siya sa paglalakad, dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Sumalubong sa 'kin ang nangungusap ngunit nahihiya niyang mga mata.
I suddenly missed her and her scoldings. Parang biglang lumambot ang puso ko't nangulila sa mga yakap niya.
I was too hesitant to open my lips but she still initiated to occupy the space on my right.
Inayos ko ang upo ko at saka ipinatong ang mga kamay sa hita ko. Tinagilid ko ang ulo ko para tignan siya.
Sinasabi ng puso ko na kausapin ko na siya pero ang utak ko, nahihiya't nagi-guilty pa rin sa mga nangyari. But my lips made a way to open on their own. "'Ma..." tawag ko sa kaniya sa mababang boses, tila nagsusumbong.
She opened her arms for me, hudyat na maaari akong yumakap.
This rarely happens but this is one of my favorite things in the world. Isang yakap mula kay mama na makakapagpagaan lahat ng hinanakit at sakit sa puso ko na dulot ng mundo.
I moved towards her to lie my head on her chest. Iniyakap ko ang mga braso ko sa beywang niya at saka pumikit.
Nang ipulupot niya ang mga braso niya sa taas ng balikat ko, nakaramdam ako ng mainit na pagmamahal. Para bang kusang nabawasan ang dala-dalahin ko.
I told her everything— lahat ng bagay na wino-worry ko pati mga nalaman ko lang ngayong araw. Sinumbong ko lahat ng taong makakapal ang mukha na sinaktan ako.
"Oh, anong ginawa mo?" tanong niya.
I took a deep breath and opened my eyes before answering, "Masyado na po akong pagod, 'ma. Sinabihan ko silang tantanan na ko. Sabi ko po kay Gel, kapag ginawa niya ulit 'yon at napikon ako, bahala siya't gaganti na ko."
"Ikaw ba talaga 'yan, Yumi?" hindi makapaniwalang tanong ni mama. "Baka kapag masyado ka ng bumait at naging pasensyosa, hindi na kita makilalang bata ka," pang-aasar niya pa bago ako pinagtawanan— 'yong may halong lait.
Napasimangot tuloy ako. Pero hindi ko itatago na natutuwa ako dahil nag-aasaran na ulit kami.
"Grabe ka talaga sa 'kin, 'ma! Mabait naman po ako ah..." Humina ang boses ko sa huli. Parang pati ako, hindi kumbinsido sa sinabi.
Tama na nga 'yan, Yumi. Baka imbes na ngayon ka na nga lang nakakabawi ng langit points mo, mabawasan pa lalo eh.
"Anak..." biglang pagseseryoso ni mama. Matik tuloy na kumalabog ang puso ko.
Napahigpit ako ng yakap sa kaniya at saka mariing naisara ang mga mata. Halos mahigit ko na rin ang hininga ko habang hinihintay ang kasunod niyang sasabihin.
BINABASA MO ANG
Driven by the Star (Ford Cousins #1)
General FictionMayumi, a 25-year old respected lecturer in a university, finds out about her hot celebrity boyfriend's cheating incidents, Tres, through the most popular actor in the country whom she slaps in public, Veroxx, and as a consequence, the public punish...