Chapter 12: The owner

423 30 28
                                    

Chapter 12: The owner

"You came right on time," Ma'am Fulache told me with a small smile on her face.

Kaagad na kumunot ang noo ko sa isipin kung anong ibig niyang sabihin. Napako na lang din ako sa kinatatayuan ko.

Kababalik ko pa lang kasi ng faculty room mula sa last class ko kaya wala akong kaalam-alam sa kung anong sinasabi niya.

Nanlamig na naman tuloy 'yong mga kamay kong hirap na hirap akong painitin kanina.

Pinilit kong kumalma. Ingat na ingat ako nang isarado ko ang pinto sa likod ko para hindi masyadong makakuha ng atensyon.

Pero pagbalik ko ng tingin sa harap, kapansin-pansin ang mga matang nagmamasid sa 'min ni Ms. Fulache. I was trying to grasp what I just heard, yet I couldn't help but glance back on those eyes watching us.

Sobrang nakaka-bother kasi. Pati nga puso ko, bumalik ulit sa bilis ng kabog nito.

Kaba, takot, at kahihiyan— ayon 'yong sigurado akong nangingibabaw ngayon sa loob-loob ko.

I readied myself to receive negative comments, smirks, or even rolling eyes from my fellow faculty members; but different from what I expected, they showed me their sympathetic looks and smiles.

Masyado na ba kong nagiging mapanghusga katulad n'ong mga nananakit sa 'kin online?

Sinabihan na ko ni Ma'am Fulache na walang reklamo ang iba naming katrabaho pero hindi ko kasi maiwasang mag-overthink.

And speaking of overthinking, wala talagang nagagawang mabuti 'to minsan sa buhay natin, 'no? Minsan... ito lang 'yong nagiging dahilan kung bakit tayo nasasaktan. 'Yong mga nagagawang scenario ng utak natin na in the first place, hindi naman dapat iniisip.

Pero kahit anong pangungumbinsi ko sa sarili kong mukhang tanggap naman nila ko at wala silang kumento sa sitwasyon ko, hindi ko magawang kumalma.

Napakagat na lang ako sa ilalim kong labi bago inihawak ang mga kamay sa laylayan ng damit. Halos magusot na nga ang harapan ng suot ko sa diin ng pagkakakapit ko rito.

That rings a bell. Sana all mahigpit kumapit, 'no?

Mapakla akong napangiti dahil sa alaala ni Tres.

Hayaan mo na siya, Yumi. He's not worthy of your time.

Inalis ko na lang siya sa isip ko at saka binalik ang tingin sa taong kaharap.

Nanginginig ang mga labi ko nang nagtataka kong tinanong si Ms. Fulache, "May nangyari po ba ulit? Ano pong mayr'on?"

She slightly shook her head before telling me calmly, "The senior vice president of Academic Affairs and our dean are waiting for us in the Administration Building. They only want to discuss things with us."

Napatango-tango na lang ako, iniisip ang mga posibleng mapag-usapan. At sa bawat scenario na pumapasok sa utak ko, pinapalala lang nito ang kabog ng puso ko dahil sa kaba at takot.

I removed my hands from the lower part of my cloth before clenching them out of anxiousness.

Kalma lang, Yumi. Kalma lang.

Nagawa mo ngang manampal in public eh, dapat lang na kayanin mo lahat ng 'to! Kung hindi ka kasi nagpaka-gaga...

I harshly pressed my lips together as I tried hard to shoo away my thoughts.

Nang mauna nang lumabas si Ma'am Fulache, tahimik ko lang siyang sinundan.

Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming naglalakad mula sa building hanggang dito sa open area. Pero parang ito na ata ang pinakamatagal na oras sa buhay ko. Parang bawat hakbang ko, kumukunsumo 'to ng minuto kahit hindi naman.

Driven by the Star (Ford Cousins #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon