Chapter 21: Getting closer

302 19 2
                                    

Chapter 21: Getting closer

The next day, dalang-dala ko pa rin 'yong saya na dulot ni Veroxx at ng pamilya niya. Kaya nga kahit mag-isa ako ngayon, hindi ko maiwasang mapangiti habang inaalala 'yong moments namin kahapon.

Wow, Yumi? Ang lakas maka-'moments namin' ah? Sino ka naman diyan?

Napailing na lang ako at saka kinagat ang ilalim kong labi. Napatungo na lang din ako; takot lang na baka may makapansin sa 'kin.

Hindi naman halatang kinikilig ako, 'no?

Pero aaminin ko... sa lahat ng kilig na naramdaman ko, this one feels different. Parang ang saya-saya lang kahit alam ko sa sarili kong hindi naman niya masusuklian ang nararamdaman ko.

I am more than contented having Veroxx around...

Napatigil ako sa pag-iisip nang humampas ang malamig na simoy ng hangin sa balat ko. Napayakap tuloy ako sa sarili ko at saka inangat ang ulo ko para tignan ang maulap at madilim na kalangitan.

Damang-dama ko na ang holidays... ang lamig-lamig na tapos may tugtugan pa kong naririnig sa labas.

Huling araw na rin naman kasi ng buwan— today is October 31. At ilang linggo na lang, panibagong taon na naman ang darating.

Napahinga ako nang malalim bago ibinaba ang tingin sa relo ko.

A las siete na pala ng gabi!

Tumingin-tingin ako sa kapaligiran.

May ilang buildings na patay na ang ilaw sa upper floors. Habang sa Freedom Park naman, wala ng tao. Kaunti na nga lang din ang mga naglalakad eh.

Napakagat ako sa ilalim kong labi at saka ipinagkrus ang mga brasong nakayakap kanina sa sarili.

Ginabi lang ako ngayon dahil may sinalihan pa kong seminar para sa faculty members. Thankfully, nag-offer si Trisha na sunduin ako ngayon kaya makakatipid ako sa pamasahe!

Pero ewan ko lang kung bakit sinapian ng kabaitan ang isang 'yon ah...

Basta. Thankful ako. Tapos ang usapan.

Pero oo, may pasok ngayong araw kahit bakasyon na sa ibang mga katabing school. P'ano ba naman, November 1 at 2 lang ang holiday sa university namin!

Napasimangot ako sa isipin na 'yon.

Kalma, Yumi. Kalma.

Pagkatapos kang pasayahin ni Veroxx, hahayaan mo bang malungkot ka na lang dahil na-deprive ka sa bakasyon?

Hell no!

Pinokus ko na lang ang mga mata ko sa gate 3 na ilang hakbang ang layo mula sa 'kin. Mula sa kinatatayuan ko, damang-dama ko kung gaano pa rin kaabala ang lansangan ng Manila sa mga oras na 'to.

Kitang-kita ko kasi sa labas ang mga taong nagtatakbuhan— siguradong nag-uunahan makasakay sa FX.

Rinig na rinig ko rin ang maiingay na busina ng iba't ibang sasakyan mula sa labas. At malamang, traffic pa rin sa España at Recto ngayon.

Nang humampas muli ang malamig na hangin sa balat ko, marahan kong kinuskos ang magkabila kong braso para painitan ang sarili.

Mamamatay na lang ata ako sa lamig dito't lahat-lahat, hindi pa rin dumadating si Trisha! Ewan ko ba r'on. Kanina pa 'yon on the way eh. May balak pa ba talaga 'yon na sunduin ako?

Ang sabi niya kasi kanina, nasa malapit lang siya. Pero malapit ba talaga? Parang 'di ko naman feel!

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang makaramdam ako ng ngawit sa mga binti ko. Napangiwi na lang tuloy ako.

Driven by the Star (Ford Cousins #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon