Tatlong araw na ang nakalipas matapos yung shoot namin sa Batangas at nandito ako ngayon sa school.
"Girl, hinahanap ka ni Dean kanina." Laiza said.
Napatingin ako dito. Kasalukuyan akong nagbabasa dahil baka bigla kaming magkaron ng suprise quiz mamaya. Mahirap na baka wala nanaman akong maisagot. Hindi laghat ng surprise, masaya. Tulad ng surprise quiz.
"Bakit daw?" I asked.
Nagkibit balikat lang ito.
Tiningnan ko si Ella dahil paniguradong may alam ito since isa ito sa mga officer ng college namin.
"I think Dean wants to talk you about UFest (University Festival)" Ella said without looking at me.
Napakunot noo ako. Bakit kaya ako kakausapin ni Dean about UFest?
Pagkatapos ng quiz namin sa Marketing subj. ko, naglakad na ako papuntang faculty room. Told you guys. Magkakaron kami ng suprise quiz. Mabuti nalang at nakapagreview ako.
Habang naglalakad papuntang faculty room ay may biglang umakbay sa akin.
"San ka pupunta?" He asked. Hindi ko na kailangan tingnan pa kung sino yun dahil boses pa lang nya, alam na alam ko na.
"Sa faculty room." I answered.
Nakita ko sa peripheral vision ko na nilingon ako nito.
"Anong gagawin mo dun?" He asked again. This time nilingon ko na ito.
"Lakampake." I said and rolled my eyes. Ang daming tanong.
Pinisil ni Nathan ang ilong ko.
"Ang taray mo naman. Maganda ka?" He said.
Sinapak ko ito sa mukha.
"Oo, maganda ako. Pakyu." Sabi ko saka naglakad papuntang faculty room.
He laughed so hard. "O sige. Suportahan kita dyan, Best. Punta kang gym after mo dyan ha? May practice kami. Support mo 'ko." Kinindatan nya ako. Inirapan ko lang ito at tuluyan ng pumasok sa faculty room. Gago talaga.
-
Hahaha. Asar talo talaga yung bestfriend ko na yun. Hays! By the way papunta ako ngayon sa gym dahil may basketball practice kami para sa darating na UFest. 5 years na kaming champion kaya kailangan puspusan ang practice na gawin. Pressure kasi 'to sa amin dahil graduating na kami kaya naman kailangan namin ito ipapanalo ngayon year.
Naabutan ko sina JK at Drei na nakaupo sa bench. Nakabihis na rin sila. Ako nalang yung hindi. Mukhang may seryoso silang pinag-uusapan.
"Bigla nalang nya akong iniwasan, e. Hindi ko alam kung bakit. Wala naman akong alam na ginawa ko. Sinubukan ko siyang tanungin pero hindi nya talaga 'ko kinakausap." Rinig kong sabi ni JK kay Drei. Nakayuko lang ito at mukhang problemado.
"Wag kang gago. Babaero ka kaya wag mo sabihin na walang kang ginawa. Tanga." Sagot dito ni Drei.
Ano ba ang pinag-uusapan ng mga ito?
"Pre, anong meron?" Tanong ko saka tumabi kay JK. Napapagitnaan namin sya ni Drei.
"Kailan kapa naging chismoso?" Poker face na sabi ni Drei.
Hindi ko ito pinansin at binalingan ko si JK.
"Pre, may problema kaba?" Sabi ko sabay hawak sa balikat nya. Nilingon nya ako at magsasalita na sana pero naunahan ito ni Drei.
"Iniiwasan na sya ni Laiza. Gago kasi, e." Drei said.
"Ikaw ba si JK?" Poker face rin na sabi ko. Akala nya ha. Nakabawi rin sa wakas.
BINABASA MO ANG
It Started Unexpectedly
RomanceThis story is a product of wild imaginations of the author.