SABADO NGAYON kaya wala kaming pasok. Naikwento na rin sa akin ni Nathan yung tungkol kay JK at Laiza. May namumuo na palang kung ano sa dalawa. Wala man lang kaming kaalam-alam ni Ella. Kailan pa natutong maglihim sa amin ang babaeng yun? By the way, nandito ako ngayon sa sala at nanonood ng TV nang tabihan ako ni Nathan at inakbayan.
"Uy best, bakit ka nga pala pumunta sa faculty room? Anong ginawa mo dun?" Tanong nito habang nakatutok rin ang mga mata sa TV.
"Pinatawag ako ni Dean." Sagot ko lang. Busy ako sa panonood, e.
"Talaga? Bakit daw?" Sabi nito sabay kuha sa popcorn na kinakain ko.
Nilingon ko ito at inirapan bago hinarap ulit ang TV. "About UFest."
"Anong tungkol dun?" Ang dami namang tanong nito.
"Gusto ni Dean na sumali ako for Mr and Ms. UFest." Sabi ko sabay subo ng popcorn.
Kasalukuyan akong nanonood ngayong ng Won't Last The Day Without You nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson. Tuwang-tuwa ako sa storya kaya naman seryoso talaga akong nanonood.
"Diba ikaw ang raining Ms. UFest ng Campus? Bakit isasali kapa?" Tanong nanaman nito sabay kuha sa popcorn ko.
"Kailangan daw kasi yung mga naging Ms. UFest ng different college's ang maging participants. Kaya ayun, pinilit ako. Naka-oo nga 'ko, e." Paliwanag ko.
Natawa ako sa sinabi ng character ni Sarah sa pinapanood ko.
Bawal mainlove. Nakamamatay.
Ano ba yan. Nakakatakot pala mainlove. Nakamamatay. Pano ba yan inlove ako sa taong katabi ko? Ah, kaya naman pala patay na patay ako sa kanya. Charot! Masyado halata ang pagiging bitter ng character ni Sarah sa story na pinapanood ko. Ganon ata talaga ang nagagawa ng sakit na naramdaman mo sa past. Nakakapagpabago. Pilit kang pinapaniwala na wag paniwalaan ang mga bagay-bagay, lalo na ang pagmamahal.
Naramdaman kong nilingon ako ni Nathan.
"Talaga? Kaya pala sabi sa 'kin ni Carla sasali rin daw ulit sya." Bakas sa boses nito ang saya.
"Oo." Walang ganang sagot ko. So kasali rin pala si Carla? Hindi ko lang pala ito katunggali kay Nathan. Pati pala sa darating na UFest, katunggali ko pa rin ito.
So, anong pinaglalaban mo Megan?
Joke lang! Wala akong pinaglalaban. Hmp!
"Naku panigurado manonood talaga ako." Biglang sabi nito kaya napalingon ako dito.
"Talaga? Manonood ka?" Excited na tanong ko.
Mabuti naman at manonood ito. Kailangan ko kaya ng support nya.
"Oo naman. Nandun kaya si Carla."
Agad ko itong binatukan.
"Letse ka. Akala ko kaya ka manonood dahil susuportahan mo 'ko."
Letcheng 'to. Akala ko pa naman susuportahan ako.
"Hehe. Syempre susuportahan kita. Ikaw kaya ang pambato ng college natin." Sabi nito saka ako inakbayan at hinila para mapalapit dito.
Ngayon ay nakasandig na ako sa dibdib nito habang akbay-akbay nya 'ko.
"Talaga?" Iniangat ko ang ulo ko para matingnan ito.
"Oo. Ikaw pa? Dabest ka." Nakangiting sabi nito.
Napangiti na rin ako.
"E, pano si Carla? Hindi mo sya susuportahan?" Tanong ko pa.
BINABASA MO ANG
It Started Unexpectedly
RomantizmThis story is a product of wild imaginations of the author.