Nathan's POV
Nasa cafeteria kami ngayon nina JK at Drei. As usual, tungkol nanaman sa kaso ng relasyon nina Laiza at JK ang pinag-uusapan namin.
"Nakausap mo naba si Laiza?" Tanong ko kay JK.
Pinaglalaruan nito ang pagkaing nakahain sa harapan nito ngayon. Hindi kasi ito nagbreakfast dahil sa stress na nararanasan kay Laiza. Mamaya pa naman yung klase namin kaya ayos lang kahit samahan muna namin sya.
Hindi ko aakalain na magkakaganito si JK kay Laiza. Si JK na walang pakialam sa nararamdaman ng mga babae. Si JK na puro pasarap lang sa buhay ang alam ngayon ay nas-stress dahil sa isang babae? Totoo nga atang may himala.
Tumango ito.
"Oh ano sabi? Pinatawad kaba? Hindi, diba? Tangina mo kasi." Sabat nanaman ni Drei.
Parang nagdadalawang isip na tuloy ako kung kakausapin ko pa ba 'tong si Drei. Baka kasi mabangasan ko nalang ito bigla sa hilig nitong magmura.
Tiningnan ito ng masama ni JK. Marahil ay nagpagting rin ang tenga sa mura na natanggap nanaman kay Drei.
"Wag mo na pansinin yang si Drei. May dalaw ata yan, e. Ano bang sabi ni Laiza sayo?" Sabi ko. Napatingin naman sa akin si JK.
Halata sa mga mata nito ang lungkot at pagkabalisa. Halata rin ang itim sa baba ng mga nito. Halatang kulang sa tulog.
"Iiwan nya na daw ako dahil yun ang gusto ng puso nya." Malungkot na sagot nito sabay yuko.
Nagkatinginan naman kami ni Drei.
"Na ZaynMalikZoned ka pala, e." Drei said.
"Sinaktan mo kasi. Ayan tuloy iniwan ka." I said.
Napabuntong hininga nalang si JK.
-
Meg's POV
Hindi pumasok yung prof. namin kaya naman papunta kaming cafeteria ngayon nina Ella at Laiza. Hindi daw kasi nagbreakfast si Laiza kaya naman sasamahan namin sya.
"Sina Nathan yun, diba?" Sabi ni Ella sabay turo sa dulo ng cafeteria. Sila Nathan nga. Kasama sina Drei at Laiza.
Aba't hindi nanaman pumasok ang gunggong.
Agad akong naglakad palapit dito at binatukan ito ng pagkalakas-lakas. Marahas na napalingon ito sa akin.
"Tangina---" pinamaywangan ko ito at tinaasan ng kilay.
"Best!" Gulat na sabi nito.
Pingot ko ito sa tenga. "Bakit nandito ka? Ha? Hindi ka nanaman pumasok, ano?"
"A-Aray! Aray! Aray ko! Tama na! Aray masakit!" Sigaw nito.
Pinakawalan ko na ang tenga nito at pinamaywangan ulit. Pulang-pula na ang mukha nya. Nasaktan ata sa pagpingot ko sa tenga nya. Kainis kasi, e! Napakapasaway!
"Umabsent ka nanaman noh?" Sabi ko sabay tulak sa balikat nito.
"Hindi. Hindi ako umabsent." Tanggi nito. Nakakunot na rin ang mga noo nito.
"E, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko ulit.
"Kumakain. Ito kasing si JK, e." Sabi nito sabay turo kay JK.
Nagulat ako ng makita ko itong parang walang buhay. Wala yung mga sigla sa mga mata nito na dati ay madalas 'kong makita. Anyare sa isang 'to?
Tiningnan ako ni JK saka inilipat ang tingin sa likod ko. Lumingon ako. Nakita ko si Laiza na iniiwas ang tingin kay JK. Agad rin namang iniwas ni JK ang tingin nito sa amin saka yumuko. May something ata talaga sa dalawang 'to.
![](https://img.wattpad.com/cover/24105013-288-k442954.jpg)
BINABASA MO ANG
It Started Unexpectedly
RomanceThis story is a product of wild imaginations of the author.