TINULAK ko ito sa may dibdib at napaupo naman ito sa kama.
"E, kung sungalngalin kaya kita? Anong tingin mo sa akin? Pagkain?" pinadilatan nya ito ng mata saka tinapunan ng unan at ang hudyo naman ay tumawa lang ng tumawa.
Bwisit talaga. Ang hilig mang-inis. Sakalin ko kaya 'to?
"Hindi kana mabiro. Syempre hindi kita kakainin. Hindi ka naman masarap, e." tumatawang sabi nito.
Ano daw? Sya? Hindi masarap? Aba't!
"Hoy! Para sabihin ko sayo, masarap ako!"
"Oh 'di nga? Sige nga patikim." Playful smile was written to his face.
"Che! Manahimik ka nga! Ang ingay mo! Tara na! Gutom na 'ko." sigaw ko dito. Tumayo na rin ako at naglakad na palapit sa pinto.
Nilingon ko naman si Nathan. Nakaupo pa rin ito sa dulo ng kama at panay pa rin ang tawa. Pinamaywangan ko ito.
"O ano? Tatawa ka nalang ba dyan? Tara na!"
Inis na inis na talaga ako dito. Akala ko ba gutom 'to? Wag nya sabihing busog na sya kakatawa? Walanghiya talaga. Imbes na ako ang mang-iinis dito, ako pa ngayon ang nabwisit. Lakas naman kasing mang-asar ng pangit na 'to.
"Sandali. Tumatawa pa 'ko." tumatawa pa rin ito pero pilit nitong pinipigilan iyon.
Nagtatakang tiningnan ko ito. Anong natira nito?
"Hindi kapa tatayo dyan? Ha?" naglakad ako palapit dito.
Umiling ito.
"Hindi ka talaga tatayo?" sabi ko sabay sakal dito.
"Ano? Hindi pa rin?" sinakal-sakal ko pa rin ito.
"Aacckkk! Ta-aackk Tama na! Aacckkk! Tatayo na!" nahihirapan na sabi nito.
"Hindi." umiling ako. "Papatayin na kita. Bwisit ka, e." patuloy ko pa rin itong sinasakal.
Pilit naman nitong tinatanggal ang kamay ko na nasa leeg nito. Pulang-pula na rin nito.
Umiling-iling ito at winagayway ang kamay na animo sinasabing itigil ko na ang ginagawa ko. Pero masyado akong nag-eenjoy sa ginagawa ko kaya hindi ko ito binitawan.
"Aahhcckk! Hi-Hindi a-ako makahi-hinga. Aahhcck!"
Tinigilan ko na ito at pinamaywangan. Umubo-ubo naman ito habang nakahawak sa leeg.
"O ano? Hindi kapa tatayo?"
Tinitigan ako nito ng masama. "Best naman. Halos patayin mo na ako, a." reklamo nito.
Tinaasan ko ito ng kilay. "Talagang papatayin kita kaya tara na!" nauna na akong naglakad palabas ng kwarto at naramdaman ko naman na sumunod ito sa akin.
"E kung papatayin ba ako nito sa sarap, edi mas mabuti." bulong ni Nathan. Nilingon ko ito.
"May sinasabi ka?" nakataas ang kilay na tanong ko.
"Wala!"
Inirapan ko naman ito.
Pagkababa namin ay nasa baba na rin sila Mamita at iba pang mga model.
"Meg, dito na kayo ni Nathan." sabi ni Mamita sa amin. Sumunod naman kami dito.
Napahinto naman ako ng biglang sumulpot sa harapan ko si Charles.
"Hi Meg." nakangiting sabi nito. Awtomatikong napangiti rin ako. Ang gwapo naman nito. Bagay dito ang v-neck black t-shirt nito na hapit na hapit sa maskuladong nitong katawan. Kinikilig tuloy ako. Kainis! Hihi.
BINABASA MO ANG
It Started Unexpectedly
RomanceThis story is a product of wild imaginations of the author.