Chapter 8 (PATNUBAY NG CRUSH AY KAILANGAN)

10.6K 78 7
                                    

PAGKARATING namin sa condo nito ay dumiretso ako sa kwarto at naligo. Habang nasa banyo ay hindi ko maiwasan hindi alalahanin yung sinabi ni Nathan kanina.

"Pero seryoso. Nagselos ako."

Did he meant it?

Hindi ko na nagawang maganong dahil nagyaya na ito umuwi pagkatapos.

Nakatapis lang ako ng tuwalya nang lumabas ako ng banyo at nakita ko itong nakahiga sa kama na ang tanging saplot ay isang boxer short.

Bigla akong naalarma sa nakita ko. Lihim akong napalunok. Mataman itong nakatitig sa akin. Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa na animo ay isa akong bagay na kailangan suriin. Napalunok ulit ako sa paraan ng pagtitig nya sa akin.

"Ba-bakit ka nakahubad?" Mataray at the same time kinakabahang tanong ko. Ngumiti ito na para bang may binabalak na hindi maganda sa kanya.

Biglang humigpit ang pagkakahawak ko sa may tapis ng tuwalya na nasa katawan ko. For Pete's sake! Yun lang ang bukod tanging bagay na nakatakip sa katawan nya ng mga oras na yun.

"Ang init kasi. Kaya ito, naghubad ako." Sabi nito sabay haplos sa dibdib nito pababa sa may abs nito. Nanlaki ang mga mata ko sa nakikita kong ginagawa nito.

Tinaasan ko ito ng kilay. Ano nanaman bang pakulo ng isang 'to? Akala ba ng lalaking 'to ay madadala ako sa pang-aakit na ginagawa nito. Nakita ko itong tumayo ng kama at naglakad palapit sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko. Para itong isang modelo ng sikat na underwear sa uri ng paglalakad nito. Napakaganda ng pangangatawan. Napakagwapo ng pagmumukha. Bigla ay parang may naramdaman akong init na dumaloy sa buong sistema ko. Isang napaka-estranghero na pakiramdam. Para akong pinagpapawisan ng malakagkit sa init na nararamdaman ko. Paano nangyari yun e, katatapos ko lang maligo.

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala ito sa akin. Itinukod nito ang isang kamay nito sa may dingding na nasa likuran ko kaya naman napasandal ako doon.

"Ano bang ginagawa mo?" Iwas ang tingin ma sabi ko. Naamoy ko yung natural na amoy ng katawan nya. Para bang daig pa nito ang bagong paligo samantalang kagagaling lang nila sa labas. Nararamdaman ko rin ang mainit ngunit mabanging hininga nito na tumatama sa may kanang bahagi ng aking leeg.

Ngumisi ito kaya naman lumabas ang mga mapuputi at pantay-pantay na nginipin nito. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko dahil sa ngiti nyang yun.

"Bakit ka pinagpapawisan? Naiinitan ka rin ba?" He's voice is so sexy.

Oo! Init na init na ako! Gusto kong isigaw pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Bakit naman ako maiinitan? E, katatapos ko lang maligo." Pagtataray ko dito.

Umangat ang isang kamay nito at hinimas ang kaliwang pisngi ko. Mas lalong bumilis yung tibok ng puso ko. Daig ko pa ang nakipagkarerahan.

Isang kuryente ang dumaloy sa pagkatao ko sa paghaplos niyang yun. Yun ba yung tinatawag nilang spark? Hindi ko napigilan ang pagpikit ng aking mga mata.

"Open your eyes." He damand.

Tinitigan ako nito. Gusto kong iiwas ang mga mata ko pero hindi ko magawa. Para bang may kung anong mahika ang mga mata nito at hindi ako hinahayaan na mapaalis ang tingin ko sa mga yon.

Unti-unting bumaba ang mukha nito kaya naman napapikit ulit ako at hinintay na lumanding ang mapupula at maninipis na labi nito sa labi ko. Ilang segundo na ata akong nakapikit pero wala pa rin akong nararamdaman na kung ano sa labi ko kaya naman napadilat ako and there I saw Nathan laughing.

"Excuse me. May dadaan na gwapo. Maliligo lang sandali. Ang init kasi." He said while laughing and walk inside the bathroom.

Bigla kong naramdaman ang psg-init ng magkabilang pisngi ko. Bwisit! Naisahan ako ng isang yun, a! Kainis! Akala ko pa naman mararamdaman ko na kung paano humalik ang isang Nathan Monteclaro. But I guess I'm wrong. Pinagtripan nanaman ako nito.

Naglakad na ako papuntang oset para magbihis pero naririnig ko pa rin ang malakas na pagtawa nito.

"Bwisit!" Sigaw ko dito at nagbihis na.

-

NANONOOD ako ng TV sa sala nang marinig kong magbukas yung pinto ng kwarto. Mabilis kong naamoy yung mabangong amoy ni Nathan. Maya-maya lang ay naramdaman kong umupo ito sa tabi ko. Mas lalo itong bumango. Malamang bagong paligo. Oo nga pala.

Nakapatong yung dalawang paa ko sa mesa na nasa harapan ko. Seryoso akong nanonood ng maramdaman kong humiga ito sa may hita ko. Hinayaan ko lang ito at nagpatuloy ako sa panonood.

Naramdaman kong pinisil-pisil nito ang tiyan ko.

"Ang laki na ng bilbil mo." Sabi nito pero hindi ko ito pinansin. Patuloy pa rin akong nanonood.

"Grabe! Kanina isa lang ito. Bakit ngayon dalawa na?" Sabi nanaman nito. Dinedma ko ulit at patuloy pa rin ako sa panood.

"Galit ka?" Tanong nito. Dedma pa rin ako.

"Sorry na." dedma pa rin ako.

"Wag kana magalit. Hindi naman bagay sayo." Dedma pa rin.

Tarantadong 'to. Magso-sorry tapos sasabihin 'di bagay sa akin magalit. At fyi! Wala akong bilbil. Sexy ko kaya. Bahala nga siya sa buhay nya.

Hindi na ulit ito nagsalita. Naramdaman siguro nito na wala ako sa mood makipagkulitan dito. Naiinis pa rin kasi ako sa ginawa nito kanina. Nagmukha tuloy akong assumera.

Pero maya-maya lang naramdaman ko ang isang daliri nito na pumapaikot-ikot sa gilid ng pusod ko. Wala pa rin sana akong balak na kibuin ito pero sadyang nakikiliti talaga ako sa ginagawa nya.

"Ano ba! Alis nga dyan!" Taboy ko dito habang pilit na pinapaalis ang ulo nito na nakahiga sa dalawang hita ko.

"Ayaw." Parang bata na sabi nito.

"Alis sabi!" Sigaw ko.

"Ayoko nga sabi!" Sigaw rin nito.

"At may lakas kapa talaga ng loob na sigawan ako?" Pagtataray ko dito.

"Ikaw, e. Naninigaw ka." Sabi lang nito.

"Pakialam mo!?" Sigaw ko ulit.

"Pakialam mo rin?" Sabi nito.

"FUCK YOU!!" buong lakas na sigaw ko dito.

"Nextime na. Busy ako." Tumatawang sabi lang nito.

Aba't talagang iniinis at sinusubukan ako ng isang 'to.

"Alis nga dyan!" Sabi ko at pilit na inaalis ulit ang pagkakahiga nito sa hita ko. Kaso hinawakan lang nito ang dalawang kamay ko at pinalibot sa leeg nito. Nagmukha tuloy na niyayakap ko ito.

"Ayoko nga sabi ang kulit."

'Ako pa ngayon ang makulit?!" Sigaw ko.

"Tsk. Nevermind. Apoy kaba?" Nakangiting tanong nito.

"Oo! Gusto mo sunugin kita?!" Sigaw ko ulit.

"Basag trip ka naman, e." Kumakamot sa ulo na sabi nito.

"Pasalamat ka at yung trip mo lang binasag ko. Baka gusto mo pati yang mukha mo basagin ko?" Sabi ko sabay harap ng kamao ko dito.

Sumimangot lang ito.

"Tss. Napaka-amazona." Bulong nito na hindi nakaligtas sa pandinig ko.

"Anong sabi mo?" Sabi ko sabay batok dito.

"Wala! Sabi ko manood nalang tayo." Sabi nito pagkatapos ay tunagilid na paharap sa TV para siguro manood.

Wala akong nagawa kung hindi ipagpatuloy nalang ulit ang panonood ko na inistorbo nito.

-

MEGAN WAS LIKE: AKALA KO SPARK NA, SHORT CIRCUIT LANG PALA.

It Started UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon