Chapter 11

6K 74 2
                                    

PAPUNTA na kami ngayon sa F-Statement kung saan kakausapin ko si Mr. Ynarez. Oo, kami. Dahil kasama ko si Nathan. Ilang araw na rin ako nito kinukulit na gusto daw nito sumama para makilala si Mr. Ynarez. Para ngang sira, e. Tinanong ko nga kung bakit gusto nya makita si Mr. Ynarez. Alam nyo ba ang sinagot nito sa akin? Dahil gusto daw nitong malaman kung gwapo iyon. Inasar ko nga na bakla sya dahil gusto nya makakita ng gwapo kaso ako lang rin yung na-argabyado dahil kiniliti lang ako ng kiniliti. Kaya heto, no choice ako at isinama nalang siya.

Nagtext rin kasi saken si Mamita na may importante din daw itong lalakaran kaya hindi ako nito masasamahan.

"Malapit na tayo." Biglang sabi nito kaya napatango nalang ako.

Nang makarating ay ipinark lang nito ang sasakyan saka kami bumaba. Habang naglalakad sa hallway ay bigla nitong hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako sa mga kamay namin na magkahawak. Napakahigpit ng pagkakahawak nito dito. Para bang ayaw nitong mawala at maagaw ako ng iba.

"Hi. I'm Miss Hernandez." Nakangiting sabi ko sa secretary ni Mr. Ynarez. Nakangiti rin ito pero halatang hindi sa akin nakatuon ang atensyon nito kundi nasa kasama ko na tahimik lang na nakahawak sa kamay ko.

I fake a cough.

Bigla naman nalipat ang tingin nito sa akin. I smiled sarcastically.

"Oh sorry maam. Well, Mr. Ynarez is waiting for you. You may come in." Nakangiting sabi nito at pasimple pa ring tumitingin kay Nathan.

Nang mapadaan ang tingin ng binata dito ang bigla itong namula. Ay kere.

I turn around to face Nathan.

"Papasok na 'ko. Dito ka nalang maghintay, okay?" Sabi ko. Bigla naman kumunot ang noo nito.

"Sasamahan kita sa loob." Sabi nito.

"Hindi na. Kaya ko na 'to. Atsaka hindi ka naman kailangan doon." Sabi ko.

"Sasama nga kasi ako." Pagmamaktol nito. Napabuntong hininga nalang ako. Umiiral nanaman ang kakulitan nito.

"Okay-okay. Pero magbehave ka sa loob, okay?" Sabi ko. Tumango naman ito kaya nagsimula na kaming kumatok at pumasok.

Nakatalikod ang upuan ni Mr. Ynarez kaya naman binati ko ito.

"Good afternoon, sir." Bati ko dito. Bigla naman umikot ang inuupuan nito at ibinaba ang dyaryong binabasa.

"Miss Hernandez." Nakangiting sabi nito. Nanlaki ang mata ko. How come na si Mr. Ynarez ay bata pa? I mean mukhang kaedaran ko lang ito. At.. At.. I must say he's totaly handsome. The way he smile there's something on it. Okay, I'm drolling.

Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ni Nathan sa kamay ko.

"Yes, sir. I'm Megan Hernandez." Pagkuway sabi ko dito.

"Take a sit." Sabi nito kaya naman hinila ko si Nathan para maupo kami.

"So I'm expecting that you already know about the deal." Nakangiting sabi nito. I stunned. Perfect teeth.

"Ahm.. Sir, actually my manager doesn't discuss it to me yet." Sabi ko dito.

"Oh. I see. So our deal is that you're not allowed to have a husband." Sabi nito pagkatapos ay tumingin kay Nathan na seryoso lang na nakatingin dito.

".. And you're going to present our new bikini's for this coming summer." Sabi nito saka ibinalik ang tingin sa akin.

Bikini? Uh-oh. Kakasabi ko lang kay Nathan na hindi ako magbibikini. Tiningnan ko si Nathan at eksaktong nakatingim din ito sa akin. Masama ang tingin na ipinukol nito sa akin. I swallowed hard. Patay.

It Started UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon