NASA CAFETERIA ako together with my friends Laiza and Ella. We're having our lunch together since katatapos lang naman ng last class namin for this morning.
"Hoy Meg! Balita namin kayo na ulit ni Nathan. Ano nanaman ba pinakain nun sayo at nakipagbalikan ka?" Laiza said while frowning.
Obviously she's against about what I have with Nathan. I can't blame her by the way. Nasisira na ang pangalan ko dahil sa relasyon na meron ako kay Nathan. But since he's my bestfriend I'm willing to help him. Kahit pa na ikasira yun ng pangalan ko. I don't care about what people say or think about me.
Nginuya ko muna ang kinakain ko bago ko siya sinagot.
"Nagpunta siya sa bahay. Nakiusap. Nagmakaawa. Ganon lang." Balewalang sabi ko.
"Yun lang?! Yapos bumigay kana agad?!" She said histerically.
I just shrugged.
"Mahal ko, e." Yes it's true.
Bakit parang nagi-guilty pa rin ako sa tuwing nagsisinungaling ako sa mga kaibigan ko. Hindi naman ito ang unang beses na nagpanggap kami ni Nathan. Pero habang tumatagal parang mas nare-realize ko na dapat hindi ko tinatago ito sa kanila. Hindi ko naman kasi inaasahan na masusundan pa yung una naming pagpapanggap.
Natatawa ako sa sarili ko. Alam ko naman kung ano talaga ang nararamdaman ko para sa kanya pero sa tuwing naaalala ko kung mag-ano ba talaga kami, parang gusto ko nalang itigil. Itigil kung ano man itong nararamdaman ko para sa kanya. Wala rin naman kasing kahihinatnan 'to, e. Aasa lang ako sa isang bagay na imposibleng mangyari. Masasaktan lang ako sa mga pwedeng mangyari. Ayokong dumating yung point na lalayuan nya 'ko dahil lang sa nararamdaman ko para sa kanya. Ayokong mangyari yun kaya napag-isip-isip ko na ititigil ko na kung ano man itong nararamdaman ko para sa kanya. Kahit mahirap, kahit imposible, gagawin ko. Alang-alang nalang sa pagkakaibigan namin.
Hindi na sumagot si Laiza pagkasabi ko nun. Ayaw nalang siguro nito makipagtalo pa sa akin. Dahil alam naman nito na hindi ko ito papakinggan.
"Hi babe!" Sabi ng isang boses sabay halik sa pisngi ko.
I looked at him. "Nathan.." I saw him smiled. "It's babe." He corrected me. "Babe.." I said. "Good girl." He said then kissed me again.
In my peripheral vision I saw Laiza rolled her eyes and Ella smiled only.
"Anong ginagawa mo dito? Wala ka ng klase?" I asked him and arched a brow.
Napakamot ito sa batok nito. "Tinamad ako pumasok, e." He said while smiling.
I pinch his tummy so hard.
"Awwwwww!" Nakangiwing sigaw nito sabay himas sa may tiyan nito na kinurot ko.
"Bakit 'di ka pumasok?" I shouted at him.
"Tinamad nga kasi. Kulit." Sabi nito ng nakasimangot.
Hinampas ko ito sa ulo.
"Ako pa ngayon ang makulit? Napakatamad mo talaga!" Kurot ko ulit dito.
"Ahhhhhhhh! Tama na." Sabi nito sabay tayo.
Tiningnan ko lang ito ng masama.
"Ikaw, a! Nagiging bayolente kana. Kailan kapa naging ganyan? Siguro natutunan mo yan dito sa mga kaibigan mo noh?" Sabi nito sabay turo kina Laiza at Ella.
Nagulat naman ang dalawang kaibigan ko.
"Aba't gagong 'to ginawa pa tayong B.I." sabi ni Laiza sabay turo kay Nathan.
Binato ko ito ng isang bottle ng mineral water na wala ng laman. Lumukso lang ito at naiwasan yun.
"Gago ka talaga. Maninisi kapa!" Sabi ko dito sabay bato ulit ng plastic spoon dito. Again, iniwasan lang nito iyon.
BINABASA MO ANG
It Started Unexpectedly
RomanceThis story is a product of wild imaginations of the author.