Chapter 18

4.9K 67 1
                                    

Pabalibag na binitawan nito ang kamay ko pagkapasok namin sa kwarto. Nagtatakang tiningnan ko ito.

"Ano bang problema mo?" tanong ko dito.

Napahinga ito ng malalim. "You're asking me if what's my problem is?" inis na tanong din nito.

"Yes." I answer. Gusto kong malaman ang dahilan ng pagiging ganyan nya.

"You." Nanlaki ang mata ko.

"Ikaw. Ikaw ang problema ko."

"Me?" turo ko sa sarili ko. Ano nanaman bang ginawa ko?

"Anong problema mo sa akin?" God! Ano bang problema ng isang 'to.

He looked at me. "Actually, hindi lang ikaw, e. Pati na rin yung Charms na yun."

Napakunot noo ako. Sinong Charms? Watda! "Anong Charms? Charles!" tarantadong 'to. Ginawa pang lucky charm si Charles.

"Whatever! Napaka-epal nya. Alam na nga nyang boyfriend mo na ako, panay pa rin ang pagiging epal!"

Hay nako! Akala ko naman kung ano nang problema nito. Yun lang naman pala. Napakababaw!

I smirked. "Pwede ba Nathan? Alam naman natin ang totoo, diba? Na hindi mo talaga ako girlfriend. That we're just pretending. And for you information, hindi epal si Charles. Ang bait nga nung tao, e. Ikaw lang talaga 'tong oa. Hindi ko nga alam kung bakit sinabi mo pa yun, e. But nevermind, nasabi mo na rin naman."

Alam ba nito ang sinasabi nito? God! He's acting like a jealous boyfriend. Kung kailangan ipamukha ko dito na hindi talaga nya ako girlfriend, ay gagawin ko. Kesa naman patuloy nitong ipagpilitan yun. E, sino ba ang nasasaktan? Siya ba? Hindi naman, e. Ako. Ako lang.

"Oa? Ako pa ngayon yung oa?" he smirked. "Yeah, you're right. You're really not my girlfriend. That we're just fvcking pretending. Kaya nga siguro wala akong karapatan para magreact ng ganito. Sorry ha? Sorry for being oa. Sorry for protecting you from that bastard." sabi nito saka naglakad palabas ng kwarto.

Naiwan naman akong nakatulala. Mali ba ako sa ginawa at sinabi ko? Yun naman ang totoo, diba? Hindi nya ako totoong girlfriend kaya wala syang karapatan na magreact ng ganon. Ayoko rin namang isipin na iba ang dahilan nito. Na nagseselos ito. Dahil imposible yun. Alam kong simpleng pag-aalala lang ang nararamdaman nito para sa akin. Dahil kaibigan nya ako. Kaibigan nya lang ako.

Napaisip ako. Saan kaya nagpunta ang isang 'yun? Nagpalit lang ako saglit ng damit saka umupo sa kama at hinintay ang pagbabalik nito. Imposible naman na umuwi ito dahil malalim na ang gabi at mahihirapan na itong umuwi pa.

Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa din ito kaya naisipan kong tawagan na ito pero ring lang yun ng ring. Sa sobrang paghihintay ko ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

INIS NA INIS na pumunta ng bar si Nathan. Mainit ang ulo at nasaktan sya sa sinabi ng dalaga sa kanya kanina. Pinamukha nito sa kanya na hindi nya talaga ito nobya, na talagang magkaibigan lang sila. Nakaramdam sya ng konting kirot sa may dibdib nya dahil sa mga sinabi nito kanina.

Taenang buhay naman 'to oh. Mas kinampihan nya pa ang yung Charms na yun kesa sa akin na bestfriend nya. Bwisit! Baka nakakalimutan nya na girlfriend ko siya.

Hindi ka nya totoong boyfriend, gago!

Hays! Oo na! Hindi na kung hindi. Pero sana naman naisip nya na ako yung kaibigan nya kaya dapat lang na ako yung kampihan nya hindi yung epal na Charms na yun.

Nasabihan pa ako ng OA. Langhiya! Ako OA? Sa gwapo kong 'to, OA? Bwisit! Hindi ba nya maintindihan na gusto ko lang naman sya protektahan sa lalaking yun. Malay ko ba kung ano ang balak sa kanya ng pulpol na yun. Mahirap na! Idagdag pa yung pakikipag-unahan nya sa akin na maglagay ng adobo sa plato ni Best. Pasikat talaga! May payakap-yakap pa kanina. Taena nya!

It Started UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon