Katatapos lang ng klase ko at kasalukuyan kong hinihintay si Nathan. Umupo muna ako sa lounge ng college namin habang naghihintay sa kanya. Tinext ko na sya na dito nalang nya 'ko sunduin kesa sa labas. Hassle kasi kung dun. Habang nagmumokmok ako dito sa paghihintay sa kanya, bigla ko nalang naalala yung mga panahon kung pano kami unang nagkakilala.
Hinihintay ko yung pinsan ko dito sa restaurant na dapat pagkikitaan namin. Nagtext kasi ito sa kanya na magpapasama daw ito kausapin ang boyfriend neto dahil nagkaron ng konting di pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawa.
"30 mins na 'kong naghihintay ah.." sabi nya sa sarili nya. Ang tagal naman ata ng pinsan nya. Naku! Baka nagkabati na ang mga ito at nakalimutan na sya.
*beep* tumunog yung cellphone ko. Aba! Yung pinsan ko nagtext. Baka naman on the way na to.
"'Cuz, sorry ah. Pero mukhang di na kita mapupuntahan dyan. Nagkaayos na kasi kami ni Dale, pinuntahan nya ko dito sa bahay. Sorry talaga cuz. Babawi ako nextime. Sorry ulit. I love you. Mwah!" Abat letse nga naman oh! Sinasabi na nga ba nya eh. Nagkaayos na ang dalawa kaya naman pala nakalimutan na sya.
Ano na ang gagawin nya ngayon? Eh wala na pala silang lalakaran ng pinsan nya. Napatingin siya sa paligid nya. Maraming tao. Halos wala ng bakanteng upuan para sa mga dumadating pang customer. Tutal nagutom na rin naman sya kakahintay sa pinsan nyang haliparot eh mas makakabuti siguro kung oorder nalang muna sya ng makakain.
"Waiter!" tawag nya sa waiter habang nakataas ang isang kamay para senyasan itong lumapit sa kanya.
Agad namang lumapit ito sa kanya at tinanong kung anong order nya. Agad naman nyang sinabi ang oorderin nya.
Habang naghihintay sa pagdating ng order nya, biglang may lalaking sumulpot sa harap nya at umupo sa bakanteng silya na nasa harapan nya. Napataas ang kilay nya sa ginawa neto. Hindi ba neto nakikita na may nakaupo na sa table na to.
"Excuse me?" nakataas ang kilay na sabi nya sa lalaki.
"Oh, Hi miss!" sabi lang neto sa kanya. Abat! Napakabastos.
"May kasama ka ba?" tanong neto sa kanya maya-maya.
"Wala." mataray na sabi nya dito. Napakaantipatiko. Akala mo naman gwapo. Pero infairness, gwapo nga ito. Kaso... mukhang pasaway at barumbado.
"Good. Dito muna ako. Wala na kasing bakante." sabi lang neto sa kanya. Anong good dun?
"Kung makadesisyon to akala mo naman pumayag na ako." bulong ko
"Well, miss." sabi nito na tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Whether you like it or you like it very much, makikishare ako sayo dito." sabi neto sabay kindat.
"Yabang." sabi ko nalang.
**
Tinext ako ni papa na magkita daw kami sa mall. Ititreat nya daw ako. Nangako kasi siya saken na babawi siya, hindi nya kasi ako sinama nung nagtrip sila sa Davao. Nireplyan ko si papa na on the way na ako.
Sa isang fast food namin naisipang kumain kaya napagpasyahan namin na dun nalang rin kami magkita.
Pagkarating ko eh nandun na si papa. Hinihintay ako. Bumeso lang ako sa kanya at umupo na. Tinanong nya ako kung ano daw ba ang gusto kong orderin. I chose my favorite food spaghetti and salad.
Habang hinihintay ko si papa na bumalik galing sa pag-oorder nya. Nainip ako. Ang tagal naman ata ni papa.
Kaya naman naisipan kong puntahan siya sa may counter. Nakita ko si papa na may kausap na isang babae.
BINABASA MO ANG
It Started Unexpectedly
RomanceThis story is a product of wild imaginations of the author.