Chapter 5

8.3K 88 3
                                    

NAGISING ako sa sikat ng araw na pumasok sa kwarto ni Nathan. Nakatulugan ko na kasi ang paghihintay sa kanya kagabi. Hindi rin nga niya ako nasamahan kumain para sa dinner.

Tiningnan ko yung kabilang kama para tingnan kung nandon si Nathan kaso wala. Hindi ba ito umuwi kagabi?

Bumuntong hininga muna ako bago ko napagpasyahan pumunta sa banyo para gawin ang mga morning rituals ko.

Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ng sarili ay lumabas na ako ng kwarto para sana magluto ng makakain ko. Kaso bigla akong natigilan nang makita ko si Nathan na nagluluto.

Mahabaging diyos, ang gwapo naman ng cook ko. Bigla akong natuod sa kinatatayuan ko at para bang nanunuyo yung lalamunan ko sa nakikita ko ngayon.

Sino ba naman ang hindi matutuod at panunuyuan ng lalamunan kung ang makikita mong nagluluto sa kusina ay isang napakamachong lalaki na tanging boxer shorts at apron lang ang suot.

Bigla akong pinagpawisan ng malamig. Ang aga-aga mang-akit ng ungas na 'to. Kainis!

Naramdaman siguro nito na may nakatingin sa kanya kaya lumingon ito sa kinatatayuan ko.

"Oh! Good morning. Kagigising mo lang?" nakangiting tanong sa kanya ni Nathan bago ito humarap ulit sa niluluto.

Bigla naman akong natauhan ng marinig ko yung sinabi nya. Hindi dapat malaman ng isang 'to na kanina pa sya nandun dahil baka kung ano naman isipin nito.

"Ha? Hindi. Kadarating ko lang." sagot ko at lumapit sa kanya para tingnan kung ano ang niluluto nito.

Hotdog pala.

"Bakit ikaw nagluluto?" tanong ko dito. Nakaharap ito sa niluluto nito samantalang ako ay nakasandig lang at tinitingnan itong magluto.

"Hotdog lang naman 'to kaya kayang-kaya ko na 'to." sagot lang nya.

Nagkibit balikat lang ako at pumunta na sa lamesa. May nakalagay ng bacon, bread, sunny-side-up egg, fried rice and milk at coffee. Para saken siguro itong gatas at kay Nathan naman ang kape.

Hindi naman kasi ako nagkakape. Nakakanerbyos daw yun, e.

"Here. Breakfast is ready!" masayang sabi nito sabay lapag ng plato na may hotdog sa lamesa.

Naupo na kami at nagsimula ng kumain. Bigla kong naalala yung biglaang pag-alis nya kahapon kaya 'di na ako nag-atubili pang magtanong.

"Ah best. " tawag ko sa kanya.

Bigla naman siyang napalingon saken habang sinusubo yung pagkain sa bibig nya.

"Hm?" sagot nito habang ngumunguya.

Bakit kahit pag-nguya nito ang sexy pa rin tingnan?  Ganon ba talaga kapag gwapo? Bigla kong naramdaman ang pag-init ng magkabila kong pisngi. Siguradong namumula nanaman ako sa harapan ng lalaking 'to.

"'Bat namumula ka?" nakangising tanong nya saken.

Umiwas ako ng tingin sa kanya

"Best pa nga lang naitatawag mo saken namumula kana. How much more kapag pangalan ko na?" nakangising sabi nya. Bwisit! Ang aga mang-asar.

"Che! Manahimik ka nga. Sapakin kita dyan, e." masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya habang sinasabi yun.

"Baka pati talampakan mo, mamula." pagkasabi nun ay umalingaw-ngaw ang tawa nya sa buong kusina.

Alam kong namumula nanaman ako dahil sa sinabi nya. Mukhang tama nga ata ang mokong na 'to dahil mukhang pati talampakan ko namumula na sa kahihiyan.

It Started UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon