"Oo na! Crush kita! Crush kita!" Sabi ko nalang dito. Alam ko naman kasi na hindi ako titigilan ng isang 'to.
Bigla naman itong ngumiti ng pagkalapad-lapad.
"Pero crush lang kaya wag kang ano dyan." Depensa ko pa.
"Atleast crush mo pa rin ako." Nakangiting sabi nito. Inirapan ko lang ito at umupo sa sofa. Agad naman itong sumunod at tinabihan ako.
"Crush means paghanga na may konting pagnanasa." Ngiting-ngiti na sabi nito. Nanlaki naman ang mata ko sa narinig ko.
"Pagnanasa?" Nakakunot noong tanong ko.
"Oo, pagnanasa. Ibig sabihin nun pinagnanasaan mo 'ko." Then he smirked.
"Excuse me?!" Nakataas na kilay na sabi ko dito.
"Dadaan ka?" Pang-aasar nito. I rolled my eyes.
"Gago hindi! At hindi rin kita pinagnanasaan. Mahiya ka naman." Sabi ko dito.
"Bakit hindi? I have a perfect greek god body, luscious lips, good-looking face and deadly smile so I guess hindi kita masisisi kung makaramdam ka ng ganyan sa akin." Nakangiting sabi nito.
Napataas naman ang kilay ko. Aba't ang yabang naman pala ng Monteclaro na 'to.
"Ikaw? Macho at gwapo? E, patpatin at ang pangit mo nga." Sabi ko dito.
Bigla naman napatigil ito sa pagtawa.
"What?! Ako pangit at patpatin?! May sakit kaba sa mata?" Hindi makapaniwalang tanong nito.
Gusto kong matawa sa itsura nito sa mga oras na yun. Para itong nalugi sa isang negosyo sa sobrang pagkadisgusto na nakapaskil sa pagmumukha nito. Of course I am just kidding. What he said is all true. He's handsome. He has a well built body, a tasteful lips and killer smile.
"Oo, pangit ka at patpatin. At wala akong sakit sa mata. Tanga!" Tumatawang sabi ko dito sabay hampas.
Bigla naman itong sumimangot.
"Kung pangit ako at patpatin, bakit maraming babae ang nababaliw sa akin sa tuwing dumadaan ako?" Kumakamot sa baba na tanong nito.
Napataas naman ang kilay ko.
"Ikaw yata ang may sakit, e." Sabi ko kaya napatingin ito sa akin.
"Ako? Wala." Umiiling na sabi nito.
"Meron. Sakit sa kayabangan!" Sabi ko sabay hampas ng unan dito at saka ako kumaripas ng takbo. Hinabol naman ako nito. Tumatawang pumasok ako sa kwarto at lumukso sa kama. Nakita ko itong pumasok na may nakapaskil na ngisi sa mga labi.
"Wag ka lalapit!" Tumatawang sigaw ko dito.
Ngumiti naman ito ng pagkalapad-lapad.
"Sa tingin mo ba matatakbuhan mo 'ko?" Sabi nito habang dahan-dahan na naglalakad palapit sa akin.
"Che! Basta wag ka lalapit!" Tumatawang sigaw ko pa rin dito saka ito binato ng isang unan ngunit sinalo lang nito iyon at niyakap.
Mas lalong lumawak ang ngiti nito at naglalakad pa rin papunta sa akin.
"Humanda ka sa 'kin." Nakangising sabi nito. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nito. Humanda daw ako dito? Bakit? Anong gagawin nito? Gagahasain ba 'ko ng loko-lokong 'to? Mas lalong nanlaki ang mata ko sa naisip kong yun. Agad kong niyakap ang sarili ko at tinakpan iyon ng kumot.
Biglang itong tumawa ng malakas.
"Masyado kang napaghahalataan. Hindi ko gagawin sayo ang iniisip mo." Tumatawang sabi nito. Napatingin ako dito. Paano nito nalaman ang iniisip ko?
BINABASA MO ANG
It Started Unexpectedly
RomanceThis story is a product of wild imaginations of the author.