Katatapos lang ng klase at rehearsal ko. At grabe! Pagod na pagod ako. Sobra. No let me scratch that madali lang pala talaga akong mapagod.
*Beep* tumunog yung cellphone ko. Si Nathan pala nagtext.
"Where are you?" sabi nito.
"Nasa pathway. Katatapos lang ng klase ko. Why?" reply ko naman.
"I'll wait you here. Sa labas ng school. May pupuntahan tayo." sabi naman neto.
"San naman?" tanong ko. Habang naglalakad ako palabas ng school hindi pa rin sya nagrereply. Nandito na ako sa labas ng school pero di ko pa rin sya nakikita.
"Hey!"
"Ay palaka!"
"Ang gwapo ko namang palaka." then he smirk.
"Ano ba! 'Bat kaba nanggugulat?!" inis na sabi ko dito. Kainis naman kasi. 'Bat kailangan gulatin pa ko.
"Ang sensitive mo naman." sabi neto sabay kurot sa pisngi ko.
"Aray ha! Sumosobra kana. Kanina ginulat mo ko tapos ngayon naman pinagmamalupitan mo 'ko." kunwari ay naiiyak kong sabi.
"Napagmalupitan talaga? Halika nga dito." hinila ako nito at niyakap.
Hmm. Ang bango naman ng mokong na to. Haaaaay.
"Oh ano nga? San tayo pupunta?" sabi ko dito.
"Kakain lang tayo saglit." sabi neto. Pumayag nalang ako tutal kakain naman daw. Malilibre nanaman ako. Mwahahaha.
"Oy best! Ililibre mo ba 'ko?" tanong ko dito. Nagpacute pa ko para lang ilibre ako netong mokong na 'to.
"Sinong may sabi? KKB." seryosong sabi neto.
"Ganon? Wag nalang pala. May lakad pa ako, e." pagkuway sabi nya. Asa! Hindi naman pala ako ililibre nitong kumag na 'to tapos pasasamahin pa ako. Asa! Asa talaga!
"Biro lang. Ito naman. Halika na." hinila sya neto at pinagbuksan para makapasok sa sasakyan.
"Mukhang libre ka talaga Meggie." sabi nito sakanya.
She throw a death glare. "What did you just say? Sa pagkakaalam ko, ikaw ang nagyaya at hindi ako." mataray na sabi nya.
"Tsk" sabi lang neto. Hmp! Nagsusungit nanaman.
---
Tapos na kaming kumain. Ihahatid nya na lang daw ako pauwi. Aba dapat lang.
"May klase kaba bukas?" pagkuway tanong nito sa kanya.
"Oo"
"Kelan kapa naging one liner?" nagtatakang tanong neto sa kanya.
"Ako? Hindi ah. Ano bang aasahan mong sasabihin ko pa? E, "oo o wala" lang naman ang posibleng sagot sa tanong mo."
"Whatever. Anong oras matatapos?" tanong nanaman neto.
"10:30." sagot nya. Sinamaan sya neto ng tingin. Nagtaka naman sya. Ano nanaman ba ang ginawa nya?
"Oh? 'Bat ganyan ka makatingin? Ano nanaman bang ginawa ko?" tanong nya.
"Talagang pinangangatawanan mo yang pagiging one liner mo ha." then he smirk
"Ewan ko sayo. Magtatanong ka ng isang tanong tapos kung sasagutin ka ng isang sagot, e ikaw pa magagalit." sabi nya.
Ang oa kasi. Pasalamat nga sya sinasagot ko pa mga tanong nya. Ang daming arte sa buhay ng lalaking to. Daig pa ang babae sa pagiging sensitibo.
"Okay. I'll get you." maya-maya ay sabi neto.
"San mo ko kukunin?" tanong nya. Aba! Mabuti na yung nagtatanong noh. Baka kung saan-saan ako biglang puntahan nito at kaladkarin para isama dito.
"Sa school nyo."
"San mo ko dadalhin?" tanong nya ulit.
"Magpapasama ako." sagot ulit neto. Aba! Talaga nga namang nakakabwisit pala yung isang tanong isang sagot.
"Saan naman?"
"Habang buhay." sabi neto sabay paskil ng nakakalokong ngiti sa mga labi neto. Langya! Meg! Kumalma ka. Wag kang kikiligin sa ulopong na yan. Siguradong pulang-pula na sya sa nga oras na yun. Kaya naman humugot sya ng isang napakalalim na hininga bago ito sinagot.
"Bumabanat kaba?" kunwari ay balewalang tanong lang nya sa sinagot neto kanina.
"Hindi naman masyado." pagkatapos ay tumawa ito ng tumawa. Anong nakakatawa? Baliw rin ito, e. Magsusungit, magseseryoso tapos biglang tatawa. Okay lang, gwapo naman eh. Hahaha. Syet lang.
"Mabuti naman. Last mo na yan ha?" sagot nya dito
"Sus. Kunwari kapa. E, kinilig ka nga." nakangiting aso pa rin ang hinayupak.
"Oh talaga? Kelan? Sino may sabi?" pang-iinis nya dito. Kailangan nyang itanggi ang ibinibintang neto sa kanya. Hindi. Hindi sya aamin. Hinding-hindi.
"Ohsige. Believe whatever you wanted to believe, baby." then he wink
Ano daw? Anong sabi? Baby? Woah! Kinikilig nanaman ako. Okay. Tama na. Baka makahalata si baby este si best. Haay.
"Ewan ko sayo. Bababa na ako." pagkatapos ay bumaba na sya. Hindi nya namalayan na nasa tapat na pala sila ng bahay nila. Ganon na pala kahaba ang naging diskusyon nilang dalawa.
"See you tomorrow, baby." then he wave his hand. After that umalis na ito agad. At siya? Ayun. Nakatanga sa labas ng bahay nila habang nakangiti dahil tinawag nanaman ulit siya netong baby. Sana baby nalang talaga sya neto. Kaso hindi. Bestfriend lang ang tingin nito sa kanya.
-
Next update? Not sure. Walang connection. Follow me on twitter: iammykam Tweet me. Pakilike ng page ko guys facebook.com/iammykam thanks! Comment and Vote please.
BINABASA MO ANG
It Started Unexpectedly
RomanceThis story is a product of wild imaginations of the author.