"Nathan?" nakakunot ang noo na tanong ko dito. Anong ginagawa nya dito? Paano nya nalaman na nandito ako?
Nakangiting lumipat ang tingin nya saken na kanina ay nakatingin kay Charles ng masama.
"Yes, it's me. Miss me?" then he wink.
Tinitigan ko ito ng masama.
"Anong ginagawa mo dito?"
Hinila nya ako kaya naman nagtaka yung photographer. Nilingon ko ang mga ito. "Sandali lang po." paalam ko. Nadaanan namin si Mamita at sinenyasan ko lang ito tungkol kay Nathan. Kilala naman ni Mamita si Nathan. Tumango lang ito at nag 'okay' sign.
Hinila ko ang kamay ko na hawak nito.
"Sandali nga. San mo ba ako dadalhin?" nilingon nya ako. Nakakunot na ulit ang noo nito.
"Bakit ganyan ang suot mo?" iritadong tanong nya sa akin. Tiningnan ko naman ang suot ko.
Napakunot noo rin ako. "Bakit? Anong problema sa suot ko?"
"Ang pangit." nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.
"Pangit? Hindi naman, a. Sabi nga ni Charles ang ganda ko daw sa suot ko, e." sinabi naman talaga yun ni Charles kanina, diba? Witness kayo dun!
"Naniwala ka naman? Binobola ka lang nun."
Sinamaan ko ito ng tingin. "Che! Palibhasa yang mata mo malabo! Yung pangit, maganda sa paningin mo. Samantalang yung totoong maganda, pangit sa paningin mo." example? Si Carla. Oo, maganda siya pero dyosa ako. Talaga 'tong si Nathan may sakit ata 'to sa mata, e. Samahan ko kaya 'to magpacheck-up sa optometris?
Naningkit naman ang mga mata nito. "Hindi, a. Pangit lang talaga yang suot mo. Magdamit ka nga!" singhal nito.
Tinaasan ko ito ng kilay. "Bulag kaba? Nakadamit naman ako, a."
Tinaasan rin ako nito ng kilay at namaywang pa. Ay bongga! Dinaig pa ako. "Damit ba ang tingin mo dyan? E, panty at bra lang yang suot mo. Asan ang manggas dyan? Nasa tali?"
Sabagay. May point nga naman ito. Pero kahit na! "E, anong iniexpect mo na susuotin ko? Pajama with matching t-shirt? O baka naman gusto mo long sleeve?" insert sarcasm.
Napahilamos ang isang kamay nito sa mukha nito. "Wag ka nga pilosopo Megan! Tingnan o nga yang suot mo. Kinulang kaba sa tela at yan lang ang suot mo ngayon?"
Napabuntong hininga nalang ako. Ang kulit naman ng punyetang 'to. "Natural! Summer ang theme namin. Wag ka ngang ano dyan Nathan. Naiinis na ako sayo." bwisit na 'to. Ang kulit kulit kulit.
Marahas na napabuntong hininga nalang ito. "Concern lang naman ako. Baka magkapulmonya kana nyan."
"Sanay na 'ko. Teka nga, paano mo nalaman na nandito ako? At anong ginagawa mo dito?" pinamaywangan ko ito at tinaasan ng kilay.
Naging kalahi naba ito ni Dora at nalalaman kung saan pumupunta ang mga kung anu-ano?
"Kinausap ko yung boss mo at tinanong ko kung saan yung shoot nyo. Ayaw pa nga nya sabihin nung una, e. Pero nung sinabi kong.."
"Kong?" paghihintay ko sa sinasabi nito. Lakas mambitin ng isang 'to. Kainis! Ngumisi ito. Anong nginingisi-ngisi ng lalaking 'to?
"Ano?!" hindi makapaghintay na tanong ko.
"Excited?" tumatawang tanong nito. Sinabunutan ko ito. Tumawa lang ito.
"Ano nga kasing sinabi mo?" sabi ko pagkatapos ko itong sabunutan.
"Wala naman. Sinabi ko lang na asawa kita."
"Ah. Akala ko naman kung ano-- Ano?! Sinabi mong asawa kita?" teka! Tama ba yung narinig ko? Diba bawal yun sa contract ko? Aba't!
BINABASA MO ANG
It Started Unexpectedly
RomanceThis story is a product of wild imaginations of the author.