"Aray! Bakit kaba nanunulak?" Reklamo nito. Natawa naman ako sa itsura nito ngayon. Mukhang nasaktan talaga ito sa pagtulak na ginawa ko.
"E, ikaw e! Ang corny mo!" I said then laughed. He throw me a death glare then smile.
"Ang sabihin mo kinilig ka lang." He teased. Napatigil naman ako sa pagtawa. "Yuck! Ew! Duh! Hindi kaya." Pagtanggi ko.
"Sige. Deny mo lang. Denial queen ka talaga." Pang-aasar pa nito.
I made a grimace.
Tumawa naman ito ng tumawa. "Ang pangit mo dyan. Seryoso." Tumatawa habang nakaturo sa akin na sabi nito. Makatawa wagas.
"Makapangit ka akala mo naman ang gwapo mo!" I said then I throw a pillow to him. He just laughed and laughed and laughed. Maya-maya lang ay unti-unti na rin itong tumigil sa pagtawa. Pero halatang nagpipigil lang ito.
"Magluto kana nga lang dun!" Pagtataboy ko dito. Wala na! Hindi ko na natapos yung movie na pinapanood ko. Bwisit kasi 'tong boy mais na 'to, e.
"Opo, mahal na reyna." Sabi nito at naglakad na papuntang kusina. Dapat lang na reyna ang itawag nito sa akin. Nanatili lang akong nakaupo sa sofa at nakatingin sa TV kung saan tapos na ang pinapanood namin.
"Baka naman pwedeng patayin mo na yang TV. Sayang sa kuryente." Sigaw nito galing sa kusina. Nilingon ko naman ito at mukhang may hinihiwa ito doon.
"Che! Manahimik ka dyan! At kailan kapa natuto magtipid?" Sigaw ko rin dito. Kulugong 'to!
Tumayo na ako at pinatay na nga yung TV.
Dumiretso ako sa kusina para sabihin ito. "Hoy best!" Gulat ko dito. Napapitlag naman ito. "Wag ka nga manggulat! Can't you see I'm cooking?" Reklamo nito.
"Sus! Ang oa mo naman." Sabi ko sabay sundot sa tagiliran nito. Napaiwas naman ito, mukhang nakiliti sa ginawa ko.
Sumandal ako at humarap dito. I also crossed my arm into my chest. "Ano ba yang niluluto mo?" Tanong ko sabay silip sa niluluto nito.
"Ano sa tingin mo?" Nakangising tanong nya sa akin. I rolled my eyes. "Magtatanong ba 'ko kung alam ko?" I said. Tumawa naman ito.
"Oo nga pala. Wala ka nga palang alam sa pagluluto. Ang alam mo lang, kumain." Pang-aasar pa nito. "Ewan ko sayo. Dun muna ako sa kwarto. Tawagin mo nalang ako kapag luto na." Sabi ko dito at pumasok na sa loob ng kwarto. Medyo inaantok ako, e.
Nagising ako sa kiliti na nararamdaman ko sa may talampakan ko.
Sumilip ako dun at nakita ko si Nathan na pasikretong tumatawa. "Hoy!" Sigaw ko dito. Mukha naman itong nagulat at napaupo sa sahig habang tumatawa. Tumayo ako.
"Akala mo 'di kita makikita. Walanghiya ka." Sabi ko sabay hampas ng unan dito habang tumatawa.
Tawa lang rin ito ng tawa. "Sayang!" Tumatawang sabi nito.
"Bwisit ka talaga. Hindi kaba marunong manggising ng tama? Ha? Ha?" Sabi ko habang hinahampas pa rin ito ng unan.
Panay naman ang sangga nito sa ginagawa ko.
Patuloy pa rin ako sa paghampas ng unan dito habang tumatawa ng mahuli nito ang mga kamay ko at bigla nalang ako niyakap sa may likuran ko at itinaas ako sa ere. Natatawang nagpupumiglas ako sa ginagawa nito. "Ibaba mo nga 'ko!" Tumatawang sigaw ko dito.
"Ayoko. Hindi kita bibitawan hanggat hindi ka tumitigil sa paghampas sa akin." Tumatawang sabi rin nito.
"Ipangako mo muna sa akin na hindi mo na ulit ako gigisingin sa ganoong paraan." Tumatawang sabi ko rin dito. Para kaming mga tanga. Tawa lang kami ng tawa.
BINABASA MO ANG
It Started Unexpectedly
RomansaThis story is a product of wild imaginations of the author.