Chapter 12

5.6K 76 1
                                    

KASALUKUYAN akong nagpapalit ng pambahay na damit nang may kumatok.

"Bilisan mo dyan. Nang nakarami tayo." rinig kong sigaw nito sa labas.

Nanlaki ang mga mata ko. Makarami? Makarami ng ano? Ng movie na panoorin. Kung anu-ano iniisip mo. Napahinga naman ako ng maluwag sa sinabing iyon ng isang bahagi ng isip ko.

Lumabas na ako ng kwarto at nakita ko itong nag-aayos ng mga pagkain na kakainin namin mamaya habang nagmomovie marathon. Umupo na 'ko sa sofa at hinayaan itong ayusin iyon. I crossed my feet. I'm wearing a short shorts and sando since iyon ang nakasanayan kong suotin kapag nasa bahay lang ako.

Kasalukuyan itong naghahanap ng dvd na panonoorin namin ng magsalita ako.

"Tanungin mo rin kaya ako kung ano ang gusto kong panoorin. Hindi yung nagde-decide ka dyan mag-isa." sabi ko sabay kuha sa Mr. Chips ko at binuksan iyon.

Napalingon naman ito. "Ano ba gusto mo?" sabi nito habang itinaas ang mga dvd na hawak nito.

"Kahit ano. Basta love story." sagot ko sabay subo sa chips ko.

Naghanap ulit ito. "Ito kaya?" sabi nito sabay angat ng isang dvd. Tiningnan ko iyon.

"American pie?!" bulalas ko.

Tumango ito.  "Oo, maganda 'to. Ito nalang." nakangiting sabi nito sabay salang na sana ng dvd nang pigilan ko ito.

"Hephephep! Alis nga dyan." sabi ko sabay tulak dito.

"Anong maganda? Ang bastos mo talaga kahit kailan!" sabi ko.

Sumimangot naman ito at bumulong. "Para namang hindi pa nito napanood iyon."

"May sinasabi ka?" tanong ko.

"Wala! Ano ba kasi gusto mong panoorin dyan?" nakasimangot na sabi pa rin nito.

"Ito." sabi ko sabay ngiti at angat ng dvd kung saan bida si John Lloyd at Bea.

"Yan nanaman?" reklamo nito. "E, ilang beses na natin napanood yan. Halos memoryado ko na rin mga lines dyan, e. " hindi maipinta ang itsura nito. Sumimangot naman ako.

"Ito nga kasi gusto ko. Sige na. Ito nalang." pilit ko dito with matching paawa effect pa.

"Ayoko nyan. Ito nalang. " tanggi nito sabay angat nanaman sa American Pie dvd.

"Ito na." pilit ko.

"Ito nalang kasi." naiiritang sabi nito.

"Ito nga kasi gusto ko!" sigaw ko.

"Ayaw ko nga kasi nyan!" sigaw rin nito.

"Edi magmovie marathon ka mag-isa mo!" sigaw ko sabay hagis ng dvd dito at padabog na naglakad papuntang kwarto.

Pabagsak na humiga ako sa kama at nagtakip ng kumot sa buong katawan. Bwisit! Nakakainis! Ang kulit-kulit. Mahirap bang intindihin na ayaw ko nung gusto nya. Ang manyak talaga. Bakit ba ayaw nya dun sa gusto kong panoorin? E, mas maganda naman yun. Fan kaya ako ng loveteam nina John Lloyd at Bea.

Narinig kong bumukas ang pinto. Naramdaman kong may umupo sa ay dulo ng kama, sa may paanan ko.

"Uy!" sabi nito sabay yugyog sa akin. Hindi ko ito pinansin. Bahala siya sa buhay nya.

"Uy! Tara na!" sabi nanaman nito at hinila-hila ang kumot na nakabalot sa katawan ko. Mahigpit ko naman na hinawakan yun para hindi matanggal.

"Tara na sabi." pilit pa nito.

Sinipa ko ito. "Ayoko na! Nawalan na 'ko ng gana. Manood ka mag-isa mo!" sabi ko dito sabay harap sa kabilang side ng kama.

"Tara na." yugyog ulit nito sa akin. Panay naman ang pagpupumiglas ko. "Ano ba! Wag mo nga ako hawakan!" sigaw ko.

It Started UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon