Chapter 24

3.2K 46 1
                                    

PAPUNTA NA KAMI ngayon ni Nathan sa restaurant na napag-usapan naming apat na pagkakainan namin. Katulad ng sinabi nya, sabay nga kaming pupunta 'don at ngayon nga ay magkasama kaming nakasakay sa kotse nito.

Nakakaramdam ako ng awkwardness sa pagitan namin. Isa sa pinaka-ayaw kong pakiramdam. We're supposed to be a bestfriend, diba? Kaya hindi dapat ako naiilang sa kanya. Hindi pa rin pala ako nakaget-over sa sinabi nito kanina.

Dahil sa akin siya.

Hindi ko maipagkakailang nakaramdam ako ng saya nang marinig ko yun galing sa kanya pero agad naglaho ang sayang 'yon ng dugtongan nito ang sinabi.

..sasama.

Dahil sa akin siya sasama.

Yun pala ang ibig nitong sabihin. Ang buong akala ko ay inaangkin nya na ako pero hindi pala. Nadisappointed nanaman ako.

Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko.

"Para 'san naman 'yon?" Napalingon ako dito nang magsalita ito. Umiling ako at pilit na ngumiti.

"Wala."

"Excited kaba?" Seryosong tanong nito. Nakatutok lang ang mga mata nito sa dinaraanan namin.

"Excited saan?" Libo-libong ka-ilangan ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to.

"For this date."

"Bakit naman ako mae-excite?" Sabi ko sabay harap sa bintana kung saan nakikita ko ang dinaraanan namin.

"Why not? You'll be having your date with that Timothy, right?" I can feel the sarcasm with those words of him.

"Well, siguro nga excited ako."

Excited ako kasi kasama ko si Nathan. Kahit hindi man siya ang totoong date ko, atleast parang siya na rin dahil magkasama kami.

"Tss." Sabi nito.

Nilingon ko ito. "Ikaw ba excited rin sa date nyo ni Carla mo?" I emphasize the word mo.

"Of course I do. Who wouldn't?"

I rolled my eyes. Whatever. Edi maexcite siya.

"Okay." I told him.

Nanahimik nalang ako habang bumubulong-bulong.

Hindi naman maganda 'yung Carla na yun.

Hindi naman gwapo 'yung Timothy na yun.

Sabay naming bulong.

"May sinasabi ka?" Sabay rin naming tanong sa isa't-isa.

"Wala!" Sabay rin naming sagot. Sabay rin kami nag-iwas ng tingin sa isa't-isa.

"We're here." Pinark na nito ang sasakyan saka kami lumabas ng sasakyan. Hindi ko na hinintay na pagbuksan nya 'ko.

"Nath! Glad you're here. Kanina pa kita hinihintay." Kunwari ay patampong sabi ni Carla.

"Kanina pa kita hinihintay." I mimicked her.

Mukhang narinig ni Carla ang ginawa ko dahil nilingon ako nito saka tinaasan ng kilay. Humarap din agad ito kay Nathan. Pero this time nakangiti na ito. Biglang kambyo ang gaga.

"Hi Meg. You look so gorgeous tonight." Timmy told me as he kissed my cheeks.

I'm wearing a simple dress which is color dirty white with a pair of close shoes since I'm tall enough to wear heels.

I smiled for what Timothy said to me. "Thank you. You too. Ang gwapo mo sa suot mo." Pinaghila nya na ako ng upuan saka maingat na inalalayan paupo doon.

It Started UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon