Chapter 22

4.6K 79 0
                                    

NAKAUPO AKO ngayon sa harap ng salamin. Katatapos ko lang kasi maligo at hanggang ngayon wala pa rin si Nathan. Pasado alas siyete y media na rin ng gabi pero wala pa rin ito.

As usual, nandun nanaman 'yon sa Carla nya. Siguro gumagagawa na ng milagro ang dalawang 'yon. Napangiwi nalang ako sa naisip ko. Si Nathan at Carla, nagchuchukchakan? Eyaw.

Kasalukuyan kong sinusuklayan ang mahaba kong buhok. Hindi pa pala ako kumakain. Minadali ko na ang pagsuklay sa buhok ko at pagbihis saka ako dumiretso sa kusina.

Naghalungkat ako sa mga drawer upang maghahanap ng makakain. Hindi ko na naisipan maghanap sa ref. dahil puro hilaw ang mga nandun. Hindi ko naman kayang lutuin 'yon. May nakita akong delata ng sardinas.

"Pwede na 'to."

Binuksan ko na yun saka nilagay sa plato. Since easily open can naman yun, hindi na ako nahirapan pang buksan iyon. Kumuha na rin ako ng kanin sa rice cooker. Kung nagtataka kayo kung paano nagkaron ng kanin sa rice cooker, tira yun kaninang umaga. Hindi pa naman panis kaya pagtya-tyagaan ko nalang muna.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ng pumasok si Nathan sa pinto.

Alam kong si Nathan 'yon kahit hindi ko pa siya nakikita, dahil amoy palang nya, alam ko na. At bukod sa akin, wala naman ibang nakatira dito kundi sya.

"Best?" Hinahanap siya nito.

Hindi siya sumagot at pinagpatuloy ang pagkain.

"Best?" Tawag ulit nito.

"Oy best! Nandyan ka lang pala. Kanina pa kita tinatawag, akala ko umalis ka." Napalingon sya ng pumasok ito sa kusina. Hindi nya ito pinansin at pinagpatuloy ulit ang pagkain.

"Anong ginagawa mo?" Tanong nito.

"Baka natutulog."

Tumawa ito. "Joker ka talaga. Alam mo ba 'yon?" Tinabihan siya nito at inakbayan saka kinurot ang ilong nya.

She rolled her eyes.

Hinawakan nito ang plato na pinaglagyan nya ng sardinas.

"Sardinas? Seryoso ka? Kumakain ka ng sardinas?" Mukhang gulat na gulat ito.

Para sa mga taong walang choice, ang kailangan gawin ay ang magtiis.

"Bakit 'di mo 'ko hinintay? Umuwi nga akong maaga para makapagluto at sabay tayong makakain ng dinner, e." He said.

I rolled my eyes secretly. Maghintay? Nanaman?

"Pagod na akong maghintay sa mga bagay na walang kasiguraduhan."

Nanlaki ang mata nito sa sinabi nya saka ngumiti.

"Anong hugot nanaman ba yan?"

Tumayo siya at inilagay sa lababo ang mga pinggan na ginamit sa pagkain saka naghugas ng kamay.

"Hindi ako humuhugot, tanga." She said saka naglakad palabas ng kusina at padabog na umupo sa sofa. Padabog na binuksan nya rin ang TV at nanood.

Naramdaman ni Meg na tinabihan sya ni Nathan.

"Best.."

She ignored him.

"Best..." He called her again.

She focused herself by watching TV.

"Best naman.."

"Tigilan mo ang pagtawag sa akin ng "Best." Nakakasulasok."

"Girl.."

Nilingon nya ito. "Nang-iinis kaba?" Inis na tanong nya dito.

Sunod-sunod ang pag-iling na ginawa nito. "Hindi."

It Started UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon