Kabanata 2 Ang Kaanak ni Haring Fernando

10.4K 22 4
                                    

Makikilala natin ang mga kaanak ni Haring Fernando sa bahaging

ito ng kasaysayan.

Noong mga unang araw

sang-ayon sa kasaysayan

sa Berbanyang kaharian

ay may haring hinahangaan.

Sa kanyang pamamahala

kaharia’y nanagana

maginoo man at dukha

tumanggap ng wastong pala.

Bawat utos na balakin

kaya lamang pairalin,

kung kanya nang napaglining

na sa bayan ay magaling.

Kaya bawat kamalian

na sa kanya’y ipagsakdal,

bago bigyang kahtulan

namimili sa katwiran.

Pangalan ng Haring ito

ay mabunying Don Fernando

sa iba mang mga reyno

tinitingnang maginoo.

Kapilas ng Puso niya

ay si Donya Valeriana

ganda’y walang pangalawa

sa bait ay uliran pa.

Sila ay may tatlong anak,

tatlong bunga ng pagliyag

binata na’t magigilas,

sa Reyno ay siyang lakas.

Si Don Pedro ay panganay

may tindig na pagkainam,

sa gulang nito ay sinundan

ni Don Diegong malumanay.

Ang pangatlo’y siyang bunso

si Don Jun na ang puso

sutlang kahit na mapugto

ay puso ring may pagsuyo.

Anak na kung palawayan

Sumikat sa isang araw,

kaya higit kaninuman,

sa ama ay siyang mahal.

Salang mawala’y sa mata

na butihing ama’t ina

sa sandaling di makita

ang akala’y nawala na.

Sa pag-ibig na magulang

mga anak ay dumangal,

maagang pinaturuan

na dunong kailangan.

May paniwala ang ama

na di ngayo’t Hari siya

maging mangmang man ang bunga,

sa kutya ay ligtas na.

Alam niyang itong tao

kahit puno’t maginoo

kapag hungkag din ang ulo

batong agnas sa palasyo.

Kaya anong kagalakan

ang Hari ay kinamtan

nang ang tatlong minamahal

marurunong na tinanghal.

Tinawag na’t ang pahayag

“Kayong tatlo’y mapapalad,

angkin ninyo ang mataas

sa pangalang mga pantas.

“Yamang ngayo’y panahon na

Kayong tatloy tumalaga,

mamili kayo sa dalawa

magpari o magkorona.”

Tugon nilang malumanay

Sa magandang katanungan:

Maghawak ng kaharian

Bayang nila’y paglingkuran.

ibong adarnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon