Bumalik ang magkakapatid sa Berbanya kasama ang magkakapatid na prinsesa. Ano ang ipinayo ng ibong Adarna kay Don Juan?
Nang abutan niyong lobo
Katawan ay lunung-luno,
Lasog pati mga buto’t
Dugoy’ nanukal sa ulo.
Pinagyaman ang Prinsope,
Sa higa ay pinabuti,
Kumuha ng tatlong bote
At lumipad na maliksi.
Tatlong bote ay nadala
dalawa ang nasa paa,
kagat ng bibig ang isa’t
Ilog-Hordan ang tinumpa.
Salamat sa nalilibang
ang sa ilog ay may-bantay,
tatlong bote ay nalagyan
ng tubig na kagamutan.
Bawal sumalok ng tubig
kaya’t ang labo’y nang-umit,
gayon man nga’y di nalingid
sa bantay na anong sungit.
Lobo’y agad ng hinabol
ngunit paanong masususkol,
pagkasalok ay tumalon
sa bangin ng isang burol.
Mula rito ay palingid
kay Don Juan ay bumalik
at ang dalang tubig
sa Prinsipe’y ipinahid.
Prinsipe’y agad lumakas
nabahaw ang mga sugat,
nakatindig at ang gilas
ngayon ay lubhang tumingkad.
Sa laki ng katuwaan
ang lobo ay nilapitan,
niyakap at pinagyamang
parang batang minamahal.
Nagunita ni Don Juan
ang singsing ng kanyang hirang
“Aba’t ako ay nalibang
sa pagkuha ay naiwan.”
Kaya’t sa palasyo’y nakyat
at nanaog naman agad.
Lobo’y naron at panatag
sa paghihintay sa labas.
Sa tulong din nitong lobo
na may mabisang engkanto,
walang hiwap na gaanong
sa balon ay nakayao.
Nang sumapit sa ibabaw,
Lobo’y agad na nagpaalam,
Iniwan na si Don Jua’t
Lumiblib sa kabundukan.
Dili ang hindi nabakla
ang Prinsipe ng mag-isa,
kaya’t agad lumuhod na’t
sa Diyos napakalara.
“Oh, Diyos Haring mataas
Panginoon naming lahat,