Kabanata 3 Ang Panaginip

9.7K 20 2
                                    

Napakasaya ni Haring Fernando sa kanyang Berbanya; may asawang mapagkalinga,tatlong anak na mababait at masunurin at mga mamamayang nagkakaisa .

Subalit bakit biglang nalungkot ang lahat?

Ngunit itong ating buhay

talinghagang di malaman-

matulog kang mahusay

magigising na may lumbay.

Ganito ang napagsapit ng

haring kaibig-ibig nang

siya ay managinip isang

gabing naiidlip

Di umano’y si Don Juan

bunso niyang minamahal

ay nihili at piñata ng

dalawang tampalasan.

Nang patay na’y inihulog

sa balong hindi matarok;

ang Haring sa kanyang tulog

nagising na nang may lunos.

Sa Laki ng kalumbayan

di na siya napahimlay

nalimbag sa gunamgunam

ang buong napaginipan

Mulay noo’y nahapis

na kumain man ay ano pa!

Luha at buntong-hininga

ang aliw sa pagiisa

Dahil dito’y nangangayayat

naging parang buto’t balat,

nararatay na’t nababakas

ang dating huling oras.

Nagpatawag ng medico

yaong marunong sa reyno

di nahulaan kung ano ang

sakit ni Don Fernando,

Kaya ba ang mga anak pati

na ng Reynang liyag dalamhati’y

di masukat araw gabi’y

may bagabag.

Sa kalooban ng Diyos

may nakuhang manggagamot

ito nga ang nakatalos sa sakit

ni Haring bantog.

“Sakit mo po Haring mahal,

ay bunga ng panagimpan

mabigat man at maselan,

may mabisang kagamutan.

“May isang ibong maganda

ang pangalan ay Adarna,

pag narinig mong

kumanta sa sakit ay giginhawa.

“Ibong ito’y tumatahan sa

Tabor na kabundukan,

kaho’y na hinahapuna’y

Piedras Platas na makinang.

“Kung araw ay wala roo’t sa

malayong mga burol, kasama

ng ibang ibon, nangagpapawi

ng gutom.

“Gabi nang katahimikan payapa

sa kabundukan kung umuwi

at humimlay sa kahoy na

kanyang bahay.

“Kaya, mahal na Monarka,

iyon po ang ipakuha gagaling

na walang sala ang sakit

mong dinadala.”

ibong adarnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon