Kabanata 5 Ang Paghahanap ni Don Diego

7.6K 12 2
                                    

Malaking hirap ang dinanas ni Don Pedro sa paghahanap sa ibon subalit hindi siya nagtagumpay

Naging matagumpay kaya ang lakad ni Don Diego?

Si Don Diego’y inatasang

hanapin ang naparawal,

ang prinsipe’y di sumaway

at noon di’y nagpaalam.

Baon sa puso at dibdib

ay Makita ang kapatid,

magsama sa madlang sakit

sa ngalan ng amang ibig.

Hanapin ang kagamutang

siyang lunas ng magulang,

kahit na pamuhunanan

ng kanilang mga buhay.

Parang, gubat, bundok, ilog

tinahak nang walang takot,

tinunton ang bulaos

ng tabor na maalindog.

Sa lakad na walang humpay

nang may mga limang buwan

ang kabayong sinasakyan

ay nahapo at namatay.

Sa gayon ay kinipkip na

ang lahat ng baon niya,

kabunduka’y sinalungang

nilakad na ng paa.

Salungahing matatarik

inaakyat niyang pilit

ang landas man ay matinik

inaari ring malinis.

Hindi nya nalalamang

siya pala’y nakadatal

sa tabor na sadyang pakay,

dikit ay di ano lamang!

Noon niya napagmalas

ang puno ng Piedras Platas,

daho’t sanga’y kumikintab

ginto pati mga ugat.

Biglang napagbulay-bulay

ni Don Diego namamaang,

punong yaong pagkainam

baka sa Adarnang bahay.

Sa tabi ng punong ito

may napunang isang bato,

sa Kristal nakikitalo’t

sa mata ay tumutukso.

Muli niyang pinagmalas

ang puno ng Piedras Platas

ang balat ay gintong wagas

anaki’y may piedrerias.

Sa kanyang pagkaiagaya

sa kahoy na anong ganda,

inabot nang ikalima’t

madlang ibo’y nagdaan na.

Sa gayong daming nagdaang

mga ibong kawan-kawan,

walang dumapong isa man

sa kahoy na kumikinang.

Kaya ba’t ang kanyang wika,

“Ano bang laking hiwaga,

punong ganda’y di sapala!

di makaakit sa madla!

“Ganito kagandang kahoy

walang tumitirang ibon?

Hiwagang di ko manunoy,

sa aki’y lumilinggatong!”

Ano nga nang lumalim na

ang gabing kaaya-aya,

si Don Diego’y namahinga

sa batong doo’y nakita.

Sa upo’y di natagalan

ang prinsipeng naghihintay,

ibong Adarna’y dumatal

mula sa malayong bayan

Dumapo sa Piedras Platas,

mahinahong namayagpag,

hinusay ang nangungulag

balahibong maririlag.

Sa Prinsipeng napagmasdan

ang sa ibong kagandahan:

“Ikaw ngayo’y pasasaan

At di sa akin nang kamay.”

Nang makapamayagpag na

itong ibong engkantada,

sinimulan na ang pagkantang

lubhang kaliga-ligaya.

Sa lambing ng mga awit

ang prinsipeng nakikinig,

mga mata’y napapikit

nakalimot sa daigdig.

Sa batong kinauupua’y

mahimbing na nagulaylay,

naengkanto ang kabagay,

nagahis nang walang laban

Sino kayang di maidlip

sa gayong lambing ng tinig?

ang malubha mang maysakit

gagaling sa kanyang awit.

Pitong awit, bawat isa

balahibo’y iniiba

at may kani-kanyang gandang

sa titingin ay gayuma.

Matapos ang pagkokoplas

ang Adarna ay nagbawas,

si Don Diegong nasa tapat

inabot ng mga patak.

Katulad din ni Don Pedro

siya’y biglang nagging bato,

magkatabi at animo’y

mga puntod na may multo.

Nainip sa kahihintay,

ang Berbanyang kaharian;

ama’y hindi mapalagay,

lumubha ang karamdaman.

ibong adarnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon