Pinakawalan nina Don Pedro at Don Diego ang ibong Adarna. Dahil dito, nangamba si Don Juan at naisip na ang tiyak na bubuntunan ng sisi ay ang dalawang kapatid kaya minabuti niyang siya na lamang ang umalis. Hindi naman nagalit ang hari sa pagkawala ng ibon sapagkat naisip niyang si Don Juan naman ang may-ari nito. Subalit nang matuklasalang nawawala ang ibon at ang kanyang bunsong anak, nag-alala ito. Ipinahanap si Don Juan. Agad namang sumunod ang dalawa sapagkat naniniwala silang maparusahan ng kanilang ama ang bunso nilang kapatid.
Sa bundok ng Armenya,
natagpuan ng magkapatid
si Don Juan. Napagkaisahan
ng magkapatid na manirahan
na sila rito. Bakit kaya?
Itong bundok ng Armenya’y
isang pook na maganda.
Naliligid ng lahat nang
tanawing kaaya-aya.
Pagkabubukang-liwayway na
mga ibon ay may kanta,
maghapunang masasaya’t
nadapo sa mga sanga.
Sa itaas ng papawirin,
mga limbas, uwak, lawi’y
makikitang walang maliw,
sa palitan ng paggiliw.
Sa batisan yaong tubig
pakinggan mo’t umaawit,
suso’t batong magkakapit
may suyuang matatamis.
Simoy namang malalanghap
may panibagong pagkasarap,
langhapin mo’t may pagliyag ng
sampaga at milegwas.
Doo’y payapa ang buhay
malayo ka sa ligamgam,
sa tuwina’y kaulayaw ang
magandang kalikasan.
Sa Armenya nga tumahanan
ang Prinsipeng si Don Juan,
upang doon pagsisihan
ang nagawang pagkukulang.
Minarapat na nga niya
ang lumayo’t di pakita,
sa hangad na ang maysala’y
mailigtas sa parusa.
Nagkita na’t nagkaharap
ang hanap at humahanap,
si Don Diego nang mangusap
hiya’t takot ang nahayag.
Namagitan kapagdaka
si Don Pedro sa dalawa,
si Don Diego’y nayaya
nang magpanayam na mag-isa.
“Ikaw sana’y huwag ganyan,
ang loob mo ay lakasan,
ang takot at kahihiya’y
ipaglihim kay Don Juan.
“May lunas na magagawa
kung papayag ka sa pithaya,
sa akin ipagtiwala ang
anumang iyong nasa.
“Kung ibig mo ay huwag
nang balikan ang ating ama,
pabayaan ang berbanya’t
dito na tayo tumira.
“Sumama na kay Don Juan
tayong tatlo ay magpisan,
tumuklas ng kapalaran
sa iba nang kaharian.”
Napagmuni ni Don Diego
mainam ang mga payo,
di man ibig na totoo umoo
na kay Don Pedro.
Tinawag na yaong bunso
ay niyakap nang masuyo,
”Kami,” anya’y “nagkasundong
magliwaliw sa malayo.
“Ibig nami’y sumama ka nang
mabuo ang ligaya, sa anumang
maging hangga tayong tatlo’y magkasama.”
Kung siya’y may kahinanang
sukat maging kapintasan,
ang pagibig na dalisay
sa kapatid kailanman.
Kinatigan ang mungkahi
yamang mabuti ang mithi
kung wala nang salanghati
saka isiping umuwi.
Sila’y walang kalungkutan
sa Armenyang kabundukan,
ang araw ay nagdaraan
sa panay na paglilibang.
Sa malawak na kahuyan
nangungusa araw-araw;
pagbabalik sa tahanan may
pagkain at pang-ulam.
Sa mga araw ng lingo
walang alis silang tatlo,
sa kanila namang kubo ay
masayang salu-salo.
Sila’y mga panginoon ng lahat
nang hayop doon,
sa kapatagan at burol kabuhaya’y mapupupol.
Ano pa ang hahanapin kung
ang nasa lang ay aliw?
Ngunit likas na sa ating
ang wala ay hahanapin.
Tayo’y hindi masiyahan sa
abot na ng pananaw,
iniimbot pa rin naman ang
lahat na ay malaman.
Langit man ay nararating
sapilitang aakyatin,
matalos lang yaong
lihim na balot ng salamisim.
Ang ganitong paghahaka
ay nasok na biglang-bigla sa
kanilang mga diwa minsang
sila’y walang gawa.
Naisipang yaong bundok
na hindi pa napapasok,
paglibanga’t nang matalos
ang doo’y napapaloob.