Maraming dapat ipagpasalamat si Don Juan sa ermitanyo. Nagbilin sa matanda sa prinsipe tungkol sa pagtulong at pagdamay sa iba.
Anu-ano ang hiwagang hatid ng Ibong Adarna?
Sa tulin ng kanyang lakad
wari’y ibong lumilipad,
nasa’y sa sandaling oras
sapitin ang bayang liyag.
Abutan pa niyang buhay
ang amang may karamdaman
inang nasa kapanglawa’y
maaliw ng pagmamahal.
Sa Palasyo nang sumapit
Ina, sa tuwa’y nagtalik;
sindak naming di malirip
ang sa dalawang kapatid.
Lumuhod sa nakaratay
upang humalik sa kamay;
ang Hari sa kalubhaan
bunso’y di namukhaan.
Magkagayo’y ang Adarna
Namayapag na sa hawla
balahibong pangit niya’y
hinalinhinan ng maganda.
Umawit na ng matamis
kawili-wili ang tinig
mga matang may pag-ibig
sa Monarka nakatitig.
“Aba, Haring Don Fernando
Monarka ng buong reyno,
si Don Juan pong bunso mo’y
kaharap na’t naririto.
“Ang iyong pong bunsong anak
nagtiis ng madlang hirap,
kamatayan ay hinamak,
s autos mo ay tumupad.
“Yaong anak mong dalawang
Inutusang nangauna,
Kabiguan ang nakuha’t
Kapwa nagging bato sila.”
Ibo’y muling namayapag
nagbihis ng bagong kiyas
higit sa una ang dilag
kanta’y lalong pinatimyas.
“Sa kasawiang tinamo
ng dalawa ni Don Pedro
kung hindi po sa bunso mo
habang araw silang bato.
“Sila nga’y binusan lamang
ng tubig na merong ‘lalang’,
nang mabasa’y nangabuhay
at sa bato’y nagsilitaw.”
Ang Adarna ay nagbago
nitong kanyang balahibo,
ang bihis ay pangatlo
ay may kulay esmaltado.
“Ang nagturo nitong tubig
ay Ermitanyong mabait,
nahabag sa kahihibik
ng bunso mong iniibig.
“Sinalok sa isang ilog
![](https://img.wattpad.com/cover/2409981-288-kbace97.jpg)