Kabanata 8 Puno ng Piedras Platas

6.4K 7 0
                                    

Dumating sa punong kahoy na wala nga ang ibon, kaya sandaling nagnuynoy ng marapat na gawin doon.

Datapwa’t di natagalan sa ganitong paghihintay at kanya nang natanawang ang Adarna’y dumaratal.

Napuna pang nang dumapo ang Adarna’y tila hapo, kaya’t kanyang napaghulong ibo’y galling sa malayo.

Pagkalapag ay naghusay ng kanyang buoong katawan,ang pagkanta’y sinimulan, tinig pay pinag-iinam.

Ginamit na unang gayak sa Prinsipe’y nakbihag, kung malasi’y sadyang perlas nagniningning sa liwanag.

Nagbago ang kanyang bihis na lumalo pa ang dikit, katugon ng inaawit na malambing at matamis.

Natutukso nang matulog, si Don Juang nanunubok, ang labaha ay dinukot at ang palad binusbos.

Lamang ngumiti sa balat pinigaan pa ng dayap sa hapdi’y halos maiyak nag-ibayo pa ang antok.

Napawi ang pag-aantok dahil sa tindi ng kirot si Don Juan ay naaluhod, nagpasalamat sa Diyos.

Pitong kanta ng malutas nitong ibong sakdal-dilag, pito rin ang nagging sugat ni Don Juang nagpupuyat.

Ang ibon ay nagbawas na ugali pagtulog niya, sa Prinsipe nang makita’y inilagan kapagdaka.

Kaya hindi tinamaa’t naligtas kasawian, inantay nang mapahimlay ang Adarnang susunggaban.

Kung matulog ang Adarna ang pakpak ay nakabuka, dilat ang dalawang mata kaya’t gising ang kapara.

Nang sa Prinsipe’y matatap tulog sa ibo’y panatag, dahan-dahan nang umakyat sa puno ng Piedras Platas.

Agad niyang sinunggaban sa paa’y biglang tinangnan, at ginapos ng matibay ng sintas na gintong lantay.

Sa katuwaang tinamo halos di magkandatuto, ang Adarna ay pinangko’t dinala sa ermitanyo.

Magalak naming kinuha ang nahuli nang Adarna, at hinimas pang Masaya nang ipasok na sa hawla.

Saka anang ermitanyo; “Iyang banga ay kunin mo, madali ka at sa iyo’y merong iuutos ako.”

“Punuin mo ng tubig iya’t ang dalawang bato’y busan, nang sa bato’y magsilitaw ang dalawang iyong mahal.”

Si Don Juan ay sumalok ng tubig na iniutos at sa batong nakapuntod dahan dahang ibinuhos.

Si Don Pedro ay nagtindig at niyakap ang kapatid sa pagkadaop ng dibdib kapwa sila nananangis.

Isinunod si Don Diego na nang maging tao’y di mawari itong mundo kung ang dati o nabago.

Gaano ang pagtatalik nitong tatlong magkakapatid, bawat isa may sambit ng sa puso ay pag-ibig.

Lalo na nga ang dalawang sa dalita’y natubos na, anuman ang inalala kay Don Juan ay kulang pa.

Wala silang mahagilap na salitang matitimyas o anuman maitumbas kay Don Juang mga hirap.

Ang kanilang pagsasaya’y din a hangad matapos pa, danga’t biglang naalala ang may sakit nilang ama.

Kaya agad napatungo sa bahay ng ermitanyo, upang ipagsulit ditto ang ligaya nilang tatlo.

Sila nama’y inahinan ng pagkain inilaan, bilang isang pagdiriwang sa tagumpay ni Don Juan.

Ang piging nang matapos na ermitanyo ay kumuha ng lamang nasa botelya lunas na kataka-taka.

Mga sugat ni Don Jua’y magiliw na pinahiran gumaling at nangabahaw walang bakas bahagya man.

“Ngayon,” anang ermitanyo, “Maghanda nang umuwi kayo, magkasundo kayong tatlo’t wala sanang maglilo.”

“Don Juan ay kunin mo na itong marikit na hawla, baka di datnang buhay pa ang iyong mahal na ama.”

Nang sila ay magpaalam ay lumuhod si Don Juan, hiniling na bendisyunan ng ermitanyong marangal.

Ermitanyo ay naakit

sa gayong banal na nais,

nagsa-amang sa pag-ibig

sa anak ay di-nagkait.

ibong adarnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon