Ang tula ay sinimulan sa panalangin ng pamamatnubay. Hiniling ng
may-akda na maging maliwanag ang kanyang isip sa pagsulat, patnubayan
siya sa direksyon at pagpaumanhinan sa kamalian.
Oh, birheng kaibig-ibig
Ina naming nasa langit
Liwanagin yaring isip
nang sa layon di malihis.
Ako’y isang hamak lamang
Taong lupa sa katawan
Mahina ang kaisipan
At maulap ang pananaw.
Malimit na makagawa
Ng hakbang na pasaliwa
Ang tumpak kong ninanasa
Kung mayari ay pahidwa
Labis yaring pangangamba
Na lumayag na mag-isa
Baka kung mapalaot na
Ang mamangka’y di makaya
Kaya inang kadakilaan
Ako’y iyong patnubayan,
Nang mawasto na salaysay
Nitong kakathaing buhay .
At sa tanang nariritong
Nalilimping maginoo,
Kahilinga’y dinggin ninyo
Buhay na aawitin ko.