Hinirang ang tatlong anak
at nagbala nang marahas:
“Ang sa inyo ay magsukab
sa akin ay magbabayad”.
Nakatadhana sa utos
ang gawaing pagtatanod;
ang tatlo ay sunod-sunod;
sa magdamagang walang tulog.
Tatlong hari sa magdamag
bawat isa ay tatlong oras;
para nilang hinahatak
ang gabi sa pagliwanag.
Ang panaho’y pumapanaw
araw ay di matulusan,
ang tatlo ay halinhina’y
panatag sa katungkulan.
Datapwa’t O! ang inggit!
Sawang maamo’y malupit,
pag sinumpong ng magganid
panginoo’y nililingkis.
Si Don Pedrong pinatawad
sa gawang di marapat,
sa sarili’y naging galak
kapatid ay…ipahamak!
Naisipan isang gabi
sa kanyang pagsasarili,
kahihiyan ng sarili’y
lihim na ipaghihiganti.
Kapati na pangalawa’y
niyayang magsabay sila
nang pagtanod sa Adarna’t
magsabay ring mamahinga.
Sa Don Diego ay nagtanong:
“Sasabay ba ko ngayon?
Mamaya’y sino kung gayon
ang magbabantay ng ibon?”
Kay Don Pedrong kasaguta’y
“Gisingin mo sa Don Juan
pag dating dito’y iwa’t
huwag mo siyang halinhan.
“At Paano naman siya?”
“Huwag kang mag-alala’t
tatanod ng makalawa
bukas tayo magkikita.
Ang dalawa’y nagkasundo
nag agapay na sa upo
sa kwentuhat mga biro
tumugtog ang ikasampu.
Ginising na si Dn Juan
sa tulog ng kasarapan,
di man oras nang pagbantay
nagbigay sa pumukaw.
Sa silid ay lumabas na
bagaman nag-aantok pa,
at hiniling sa dalawang
halinhan siyng maaga.
Plibhasa’y nahirapan
nag mga gabing sinundan,
mga mata ma’y sikangan
antok din ang sumasalsal.
Bakit nang gabing yao’y
pagkasarap pa ng simoy,
ang prinsipe’y napalulong
matulog nang mahinahon.
Walang kaba kamunti mang
humilig na sa upuan
himbing niya’y ganun na lamang
nang magmamadaling-araw.
Lumapit na ang dalawa’t
pinawalan ang Adarna,
kaya’t nang magising siya
takot aggad ang bumakla.
Di tagkot na kagalitan
o parusa ng magulang,
kundi panong matatakpan
ang nangyaring kataksilan.
Noon niya napagsukat
ang sa tao palang palad’
magtiawal ay mahirap
doon ng pagkapahamak.
Bago mitak ang umaga
si Don Jua’y umalis na.
Wika’y ito ang maganda,
natatago ang may-sala.
Nang magising ayong hari,
araw’y masaya ang ngiti
nagbangon ay dali-daling
ibon ang kinaurali.
Gaano ang panginginig,
mga mata’y nanlilisik,
ng sa hawla’y di mamasid
Adarnang aliw ng dibdib.
Nagngangalit na tinawag
ang tatlong Prinsipeng anak,
dadalawa ang humarap
kapwa hindi nangapuyat.
Humarap ay tinangaang
huwag siyang paglihiman,
sagot nila’y: “Ama’y ewan,
ang bantay po’y si Don Juan”.
Ipinahanap ang bunso,
ngunit saan masusundo?
di sa hangad na magtago.
Saka bakit hahanapin
kaharap yaong taksil?
Itong anak na suwail,
magbulaan ay magaling!
Yumao na ang dalawang
nagmamagaling sa ama,
ang pangako’y pag nakita’y
iuuwi’t nang magdusa.
Mga bukid, burol, bundok
bawatg dako’y sinalugsog;
lakad nila’y walang lagot,
sinisipat bawat tumok.
Wala, wala si Don Juan,
napagod na ang pananaw…
“Siya kaya’y napasaa’t
hindi natin matagpuan?”
Lakad, tanaw, silip, sipat
sa kahuyan at palanas,
sa kanilang kakahanap
nangahapo at namayhat.
Gayun pa ma’y patuloy rin
tulad nila’y mamamansin
nang sa dagatg ay alatin,
walang huli’y naroon din.
Datapwa’t sila’y matuwid
na huwag munang magbalik,
kung ang bawat pagsasakit
di man dapat ay may langit.
Di nga naman nagtagumpay
ang tgiyagang pinuhunan;
nakita rin si Don Juan
sa Armenyang kabundukan.