Kabanata 6 Ang Paglalakbay ni Don Juan

20.4K 26 3
                                    

Nabigo sa paghahanap ng ibong Adarna sina Don Pedro at Don Diego.Gayon na lamang ang lungkot ng hari. Lumubha ang kanyang sakit.

Ano ang gagawin ng hari? ni Don Juan?

Ibig niyang ipahanap

ngunit nag-aalapaap

utusan ang bunsong anak

sa takot na mapahamak.

Si Don Juan naman pala’y

naghihintay lang naman pala sa ama,

ang puso ay nagdurusa

sa nangyari sa dalawa.

“Ama ko’y iyong tulutang

ang bunso mo’y magpaalam,

ako ang hahanap naman

ng inyo pong kagamutan.

“Ngayon po’y tatlong taon na

hindi nagbabalik sila,

labis ko pong alalang

ang sakit mo’y lumubha pa.

“Bunsong anak kong Don Juan,”

ang sagot ng haring mahal

“kung ikaw pa’y mawawalay

ay lalo kong kamatayan.

“Oh,ama kong minamahal,”

muling samo ni Don Juan,

“sa puso ko nama’y subyang

malasin kang nararatay.

“Kaya po, kung pipigilin

itong hangad kong magaling

di ko maging sala manding

umalis na ng palihim.”

Sa ganitong napakinggan

Hari’y biglang natilihan,

natiyak na magtatanan

ang Prinsipeng si Don Juan.

Si Don Jua’y lumuhod na

sa Haring may bagong dusa,

“Bendisyo mo, aking ama

babaunin kong sandata.”

Ang bendisyo’y iginawad

na ang luha’y nalalaglag,

gayundin ang inang liyag

kalungkuta’y di masukat.

Di gumamit ng kabayo

sa paglalakbay na ito,

tumatalaga ng totoo

sa hirap na matatamo.

Matibay ang paniwalang

di hamak magpakababa,

pag matapat ka sa nasa

umaamo ang biyaya.

Baon ay limang tinapay,

siya kaya ay tatagal?

Datapwat kay Don Juan,

ang gutom ay di kamatayan.

Habang kanyang binabagtas

ang parang na malawak,

sa puso ay nakalimbag

ang birheng Inang marilag.

Hinihinging patnubayan

ibong adarnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon