Kabanata 10 Ang Hinagpis ni Don Juan

13.6K 19 12
                                    

Pinagtulungan ni Don Pedro at ni Don Diego na bugbugin si Don Juan. Nang iharap sa Hari ang adarna, malungkot ang ibon at hindi man lamang nagparinig ng awit.

Halos nawalan na ng pag-sa si Don Juan na Makita pa ang kanyang mga magulang. Dahil sa kapalarang sinapit, labis siyang naghihinagpis.

Samantalang sa Palasyo

Pangyayari ay ganito:

Si Don Juan lunung-luno’y

gagapang-gapang sa damo.

Maga ang buong katawan,

May sala sa mga tadyang,

at ang lalong dinaramdam

ang gutom at kauhawan.

Sa ilang na pagkalawak

Na wala ni kubong hamak,

Sino kayang matatawag

Dumamay sa gayong hirap?

Sa kawalan ng pag-asa

Sa Diyos na tumalaga;

kung gumaling ay lingaya’t

kung masawi’y palad nya.

Hindi nya nalimutang

tumawag sa Birheng Mahal

lumuluhang nananambitang

tangkilikin kung mamatay.

“Oh, Birheng Inang marilag,

Tanggulan ng sasa-hirap,

Kahabangan di man katapat

Ang aliping kapus-palad

“Kung wala nang kapalaran

humaba pa yaring buhay,

loobin mo, Inang Mahal,

ang ama ko ang buhay.

“Madlang hirap at parusa

di ko sasapatin sana,

kung di po sa aking pitang

magulang ko’y guminhawa.

“Ito’y di naman pagsisi

O pagsusumbat sa sarili;

Salamat kung makabuti,

Ang munti kong nasilbi.

“Di ko maubus-isipin

kung ano’t ako’y tinaksil,

kung sa ibon po ang dahil

kanila na’t din a akin

“Kung sa bagay di iba a

at ako nga ang kumuha,

maging ako’t maging sila

kung tutuusin ay iisa.

“Di kaya kaming tatlo’y

anak ng iisang tao:

iwasan ang pagtatalo’t

di gawang maginoo.

“Kaya kami nangaglakbay

sa kayaman kagalingan

ano’t ngayong magtagumbay

hahanga nila ang magaling.”

“Sila naman’y patawarin

ng Diyos na maawain;

kung ako man ay tianksil

ibong adarnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon