Isang napakagandang palasyo at hardin ang tumambad kay Don Juan. Doon niya nakita si Prinsesa Juana. Ngunit …
Sino si Leonora?
“Si Leonora’y kapatid kong
kasama sa balong ito,
naririyan sa palasyong
dito’y tanaw na tanaw mo.
“Parunan mo at sundin
sa ngalan ko ay sabihing
siya’y parito ngayon din
at ibig kong kausapin.
“Ngunit, irong, may pangamba
ang pagsundo mo sa kanya;
may tangkilik kay Leonora
ay Serpyente at Palamara.
“Ang Serpyente ay mataang
sanay siya sa pagpatay,
pitong ulo maputol man
nasusugpong kapagkuwan.
“O, Don Juan, laking lunos
ang sa aki’y lumuluhod,
muli ka pang makihamok
ay di ko na itutuloy.
“Pangamba kong masawi ka’y
pagkaawa k okay Leonora,
laso’t tinik na… ewan ba
kung pano kong mababata…
“Bakit baga yaring buhay
saliwa sa kapalaran:
lumiligaya’y mamamanglaw,
mamanglaw ay kamatayan?”
Hinagpis ni Donya Juana
sa Prinsipe’y nagpasigla
takot ay di naklala’t
sa sakuna’y tumalaga.
Nagpaalam at ang wika:
“Prinsesa kong kasi’t mutya,
yaring buhay ko’y maaba
palad ko na ang nawala.
“Ano’t ako’y nasisindak
kung ito ang aking palad?
Ipaglingkod yaring lakas
mapahamak kung mapahamak.
“Anong tamis ng mamatay
kung lugod ng minamahal!
Anong saklap ng mabuhay
kung duwag na tuturingan.
“Huwag mag hihilahil
may awa ang Inang Birhen,
sa magandang nasa natin
ay di niya hahabagin.”
Lumakad ng patuluyan,
puso’y walang agam-agam,
Diyos ang tinatawagan
sa darating na kapalaran.
Sa palasyo ng malapit
bagong dilag ang sa titig
bumihag ng labis-labis,
para syang nanaginip!
Sa palasyo’y nakadungaw