Nagbalik si Don Juan sa balon. Minsan pa siyang ipinahamak ng kanyang mga kapatid.
Nagbalik na sa Berbanya sina Don Pedro at Don Diego na kasama sina Prinsesa Juana at Leonora. Basahin natin ang sumusunod na mga saknong…
Palibhasa si Don Jua’y
Mutyang-mutya sa magulang,
Ang nangyaring kataksilan
Nabatid sa panagimpan.
Napanaginipan ng hari
Sa pag-idlip nang tanghali
Na isang yungib wari
Bunso niya’y itinali.
Nang gapos na ang katawan,
Ng lubid na pagkatibay,
Sinipa na’t tinadyakan
Sa mukha pa ay tinampal.
Walang sala’y di salari’y
Ayaw naming patawarin,
Sa hukuman nang litisin,
Lagdang hatol ay patayin.
Saka biglang itinulak
Sa banging kagulat-gulat,
Sa ilalim nang lumagpak
Ang hininga ay nautas.
At siya nang pagkapukaw
Nitong hari sa hihigan,
Ang puso at gunam-gunam
Sapupo ng kalumbayan.
Gayon man ang panaginip
Maaaliw rin ang dibdib
Sinisikap na maalis
Ang sindak sa kanyang isip.
Nauntol ang kalooban
Sa matandang kasabihan:
Madalas na magbulaan
Ang sa taong panagimpan.
“ano baga’t gagayunin
Ang bunso kong ginigiliw,
Ito nama’y di salarin
Na dapat pabayarin?
Sa ganitong pabubulay
Ang hari ay napadungaw,
Sa malayo’y natanawan
Ang anak niyang panganay.
Sa lakara’y siyang una’t
Natatakpan ang kasama,
Inasahang naroon na
Bunsong nawala sa mata.
Ngunit aning dusa’t sakit
Nang sa mata’y mapalapit,
Wala rin ang ninanais,
Nabuhay ang panaginip.
Malungkot na sumalubong
At may luha nang maganong:
“ano’t kayo ay naglaon
Sa bundok at sa mga burol”
Sagot ng dalawang anak:
“ama naming nililiyag,
Sinagasa naming hirap
Di-masyadong ipinangusap.
“di rin namin nasumpungan