Chapter 3

70 1 0
                                    

After 2 weeks of practices, naenjoy naman ako sa kakatingin sa kanila. Lalo na kay Lemuel. He always look at me and give me a sweet smile. Kinikilig naman ako pero hindi ako nagpapahalata.

Ngayon na ang opening ng sport feast namin. I am wearing a red mini skirt, a white tennis at ang jersey shirt na katulad ng team nina Lemuel. Nahihiya nga ako kasi, sa taas kong 5 foot and 4 inches medyo maikli ang palda ko. Ito kasi ang susuotin sa parade namin and I'll be the one who will hold the banner together with Lemuel since siya ang team captain.

I was so nervous while walking slowly to the gym. Dito kasi kami magkikitang lahat at nandito na rin ang sasakyan na gagamitin namin sa parade.

Nakita nila ako agad at sinalubong ako nina Sky at Rickson. Sila kasi ang naging ka close ko sa team.

"Ang cute mo Arsy!" Sabi ni Sky na parang kumikinang pa ang mata. Arsy kasi ang tawag niya sa akin. Mga kaartihan niya.

"Oo nga. Mabuti nalang ikaw yung muse namin. Last year kasi maganda nga ang suplada nga lang.." nakangiti namang sabi ni Rickson.

"Salamat. Kayo nga ang gagwapo niyo.." totoo naman. Napansin ko nga sa team nila mapuputi silang lahat at talagang my maipagmalaki ang mga mukha. Kaya nga siguro naging sikat ang team nila. They are good in playing volleyball plus they have this strong personalities and a good looking appearance. Walang babae ang hihindi pag niligawan nila.

"Don't state the obvious Arsy. Lalo akong gumagwapo.." nagbeautiful eyes pa ito. Ang cute lang. Jusko!

"Tara na. Kanina ka pa hinihintay ni coach.." niyaya naman ako ni Rickson papuntang team. Lahat sila ngumiti sa akin and I smiled back at them. Kumuha ako ng mineral water habang tumitingin sa paligid.I am searching for someone at hindi ko siya makita.

"Guys! Shit! Sorry. Nalate ako.." namilog ang mga mata ko ng makita ko si Lemuel. Bakit ganyan ang itsura niya? His hair is messy pero nagpagwapo pa itong lalo sa kanya. Humihingal pa itong lumapit sa akin. Kinuha niya ang tubig sa kamay ko at ininom. Natahimik lang ako sa ginawa niya. Kumuha uli siya ng bagong tubig at ibinigay sa akin.

"Sorry ha? Lalo kasi akong nauhaw pagdating ko dito.." nakangisi nitong sabi sa akin. Lalong namilog ang mga mata ko.

"Ah..eh..o-ok lang. Hindi ko pa naman ininom.." naiilang na sabi ko dito.

"Really? Sayang.." sabi nito at umiiling pa na tumalikod na papunta kay coach.

Ha? Anung ibig sabihin niya? Omigosh! Is he flirting on me? Cut that! Wag kang malandi Ara. Dont assume! Sigaw ng isip ko at pumunta nalang ako kay Sky para makipag-usap habang hinihintay ang mga instructions ni coach.

Magsisimula na ang parade. Nandito na ako sa ibabaw ng sasakyan namin na gagamitin sa parade. I am holding the banner, sa right side ako and Lemuel is holding the left side of the banner. Ang gwapo niya, para siyang artista sa kaputian at ang kinis ng balat niya. He stand 6 foot tall and he smile confidently na kahit sinong babae hindi matatangging gwapo ang lalaking ito.

Natapos ang parade at nagsimula na ang palaruan. The games lasted for about 3 days and our department took the championship trophy and guessed what, we will compete the volleyball championship between the over all champion of all school here in the city which is the San Blas University. Actually, halos lahat ng colleges dito ay puro catholic schools.

This is it, magsisimula na ang championship at dito gaganapin sa school namin. I am so nervous because I saw Lemuel that he was so serious, he was talking to his team mates and coach Bryle was giving them instructions. I keep on praying that sana mananalo kami at sana walang mangyaring masama sa team namin.

Pagkatapos ng halos ilang oras ay natapus ang game at natulala nalang ako dahil sa result. OA na kung OA but I am so happy. Halos maluha ako dahil sa kasiyahan. We won! We actually won! We are the over all champion now! Thanks God!

Tinawag ako ni coach Bryle and Sky welcome me with a victory hug pagkatapos ay nag group hug kami kahit ang lagkit nila dahil sa pawis ay wala akong pakielam. Ang saya!

I look for Lemuel to congratulate him. I look around, I want to share this happiness with him.
Pero nabawi kaagad ang kaligayahan ko. Nawala ang ngiti ko at halos nabagsakan ako ng langit ng dahil sa nakita ko. I saw him. I really saw him. Him with her. Lemuel, he was with another girl. Naluha ako ng makita kong ang saya nila. He even kiss the girl. I freeze because he look at me. Dali-dali kong pinunasan ang luha ko at ngumiti sa kanya, he smile back at me na nakikita kong ang saya niya. I turn my back at dali-dali akong umalis doon. Narinig kong tinawag ako ni Rickson pero diretso akong umalis.

Ang sakit. Its really hurt to think na my iba na pala siya at nakikita kong ang saya niya. Siguro hindi ko lang siya crush. Pero sa maikling araw na nagkasama kami I think I fallen in love with Lemuel.

ChangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon