Nagising ako dahil sa narinig kong mga bagay na nabasag. Napapitlag ako at agad-agad na bumangon. There I saw Dianne standing right to the door, her jaw drop at nangingilid na ang mga luha. Nakita ko ring my nabasag na bagay sa sahig, it was a glass of milk. Siguro nagtimpla ito para kay Lemuel.
"Dianne?" Nagulat ako dahil bumangon na rin si Lemuel at nakatingin kay Dianne.
Nafreeze si Dianne at namula. Dali-dali namang nagsuot ng robe si Lemuel at tumayo. "D-dianne..hon..let me explain.." pagsusumamo nito at tinangkang lapitan si Dianne.
Dianne mock a smile at dali-daling umalis. Hinabol naman ito ni Lemuel. Nangilid ang mga luha ko at bumangon na rin. Pumunta ako sa banyo at sumandal sa dingding. Oh God! What I have done. Alam kong masisira ang relation nila dahil sa nakita ni Dianne. Napahilamos ako at naligo na.
Paglabas ko ay wala pa rin si Lemuel. Hinintay ko ito pero hindi pa rin siya bumabalik. Nagpasya nalang akong umuwi at kausapin nalang ito sa susunod na araw. Alam kong mainit pa ang sitwasyon sa kanila ni Dianne kaya ayaw ko na muna siyang pakielaman.
Sumunod ang ilang mga araw pero hindi ko nakikita si Lemuel. Hindi rin ito sumasagot sa mga tawag ko.
"I heard wala na sila.." sabi ni Rowella. Magkasama kasi kami ngayon dito sa isang cafe. Nagmemeryenda kaming dalawa dahil pareho kaming vacant nga
yong oras.Tiningnan ko siya at nagkasalubong ang mga kilay ko. "Who?" Tanong ko at kumagat sa sandwich na hawak ko.
"You're Lemuel and Dianne.." kaswal nitong sabi na nakatingin sa akin. Ngumiti pa ito. Napalunok ako. Oh shit! No! Kasalanan ko to. Kaya pala hindi ko nakikita si Lemuel.
Napatingin ako sa labas at nakita ko ang kotse ni Lemuel. Tumakbo ako palabas ng cafe at humarang sa kotse nito. Tumigil naman ito pero hindi bumaba si Lemuel.
"Lemuel, mag-usap tayo. Im sorry for what happened but please let me talk to you.." sabi ko kahit hindi ko siya nakikita sa loob ng kotse nito.
Lumabas siya ng kotse na nakabusangot ang mukha at gulong gulo ang buhok. Nakabukas ang butones ng polo nito sa itaas at hindi nakaayos ang pagkatupi ng polo niya sa braso. He look like a mess. "Step back!" Sigaw nito sa akin na napabigla sa akin. Tumitig lang ako sa kanya. "I said step back! Are you deaf?" Sigaw ulit nito pero nanatili pa rin akong nakatayo sa dadaanan ng kotse niya. "I'll bump you if you wont step back!" Sigaw ulit nito at tumalim ang tingin sa akin. Parang iiyak ako sa nakikita ko sa kanya. Sumakay na siya ng kotse niya pero nanatili pa rin ako sa kinatatayuan ko. Hinila ako ni Rowella nang paandarin na ni Lemuel ang kotse niya.
"Magpapakamatay ka ba ha?" Galit na sabi sa akin ni Rowella pero nakita kong nagulat ito nang umiyak ako. "Ok, I dont understand. Magkwento ka.." sabi nito at hinila ako sa kotse niya. Pumunta kaming condo niya. Pagdating namin doon ay binigyan niya ako ng tubig at tinanong.
"What is that all about?" Tanong niya at tinitigan ako. Umiwas ako ng tingin at bumuntong hinga. I tell her everything. At hindi ako nagkamali. Her jaw drop. "You know. I wonder, ano kaya ang silbi ko bilang best friend mo?" Tanong nito na tumingala pa. Ang arti.
"Sorry ganda. Alam ko kasing magfe-freak out ka.." sabi ko at tumingin sa kanya.
"It doesn't made a difference, nafreak out pa rin ako. Ok lang naman sa akin na malaman ko. Best friend mo ko diba? And I understand you but once is enough Ara. Bakit inulit nyo pa?" Tanong nito at yumuko lang ako.
"Na-carried away lang ako Wel. Im inlove with him.." tumulo ang luha ko pero pinunasan ko yun agad.
"You're inlove with a man na may serious relationship na Ara. Okay, lets say hindi pa sila kasal but to think na nakasira ka ng relasyon Ara, hindi pa rin maganda 'yon.." sabi nito at hinawakan ang mga kamay ko. "Crush mo siya ever since you step in our school. I witnessed how you admire him in silence, pero dapat hindi ka nalang naging muse ng department ng team nila para hindi ka na nasasaktan ng ganito.." dugtong pa nito.
Lalo lang akong naluha. Niyakap niya ako at inalo. "Please move on baby girl. Marami pa jan, naghihintay lang ng pagkakataon para mapansin mo.." sabi nito at hinimas-himas ang likod ko.
"But I only wanted him Wel. I love him so much.." sabi ko at hinarap siya. Bumuntong hininga lang ito at tinitigan ako.
"Listen, kung kayo ni Lemuel. He will be the one who will come to you. Look, ikaw ang lumapit sa kanya, so? Anung nangyari? May nangyaring hindi maganda diba? Let him arrange everything and decide of his own. You must to let go of him for a while Ara. Para sayo lang naman to.." mahabang paliwanag nito at lumuluhang tumango lang ako.
Umuwi ako at nakita ko si Dad. Ibinaba ang phone at tumingin sa akin. He smiled at me, lumapit naman ako sa kanya at yumakap.
"What is wrong?" Nagtatakang tanong niya sa akin. Nakasalubong pa ang mga kilay.
"Nothing, I just missed you.." sabi ko na nakayakap pa rin. Narinig ko namang tumawa siya ng mahina.
"You're Mom called. Sabi niya uuwi na siya mamaya galing Kuala Lumpur.." sabi nito at hinalikan ang ulo ko.
Kumalas ako sa pagkakayap sa kanya at tiningnan ito. "What time Dad?" Tanong ko sa napakagwapo kong tatay.
"Expect mo nang hating gabi ang dating 'nun.." sabi nito at ngumiti. I smiled back and hug him again pagkatapos ay dumiritso na sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
Change
RomansaAra is innocent and fragile but because of living with her long time crush that accidentally made her pregnant, her personality changed. From being innocent and simple girl, she became wild and carefree. What would Lemuel do if he was the reason wh...