After hundred times of roaming around, I finally found a resto-bar. Dumiritso ako sa loob, I saw people in their tables. Wala pang sumasayaw. Maaga pa kasi kaya hindi pa masyadong lasing ang mga tao. I seat in a high stool malapit sa counter. I was looking for all the drinks na maoorder ko nang mapansin kong may nakatingin sa akin. It was the bar tender. Maputi ito at gwapo. Nakangiti itong nakatingin sa akin habang nagmi-mix ng drinks. Lumapit ito sa akin.
"Margarita.." maikling sabi ko.
"Are you alone Ma'am?" His voice is good. Lalaking lalaki.
Luminga-linga ako at tinaasan ito ng kilay, "Do you see anyone with me?" Mataray kong sabi dito.
"No Ma'am. Do you want me to join you?" Nakangiti pa rin ito.
"Hindi ba bawal sa management nyu?"
"Actually, off ko ngayon, pumasok lang ako. I can go out any time I want.." well, new place, new people nga naman. Hindi naman siguro masamang makipagkilala.
"Im Ara, and yes, you can join me. I need company anyway.." malapad itong ngumiti sa akin. Naghugas siya ng kamay at pinatuyo iyon. Kumuha na rin siya ng maiinom at umupo sa tabi ko.
"Romeo, nice to meet you Ara.." inabot nito ang kamay ko at hinalikan. Napataas ang kilay ko. Playboy. "New here huh?" Sabi nito at nginitian ako. Gusto kong punitin ang itsura nito. Masyadong gwapo.
"Yes, Im on a vacation.." tipid na sagot ko dito at sinimsim ang inumin ko.
"You must enjoy your vacation Ara. You can call me if you need someone para magdala ng mga shopping bags mo.." napangiti ako sa sinabi nito.
"Shopping is boring for me Romeo. By the way, where's Juliet?" Pagbibiro ko dito.
"Juliet who?" Hindi nito nagets ang biro ko. Napatawa ako ng mahina. "Ahh, Juliet. Patay na siya hindi ba? Well, I was reincarnated.." at bigla itong humagalpak ng tawa. Napatawa na rin ako.
"Araneta?!" Napahinto ako sa pagtawa ng maramdaman kong may yumakap sa akin. "Bakit ka nandito??" Tiningnan ko ito and shocks! Hanggang dito ba naman?
"OMG ka Wel ha!! Hanggang dito ba naman??" Napayakap na rin ako kay Rowella. Yes, it's Rowella and she's here. "Sinong kasama mo?"
"Arsy??" Muntik nang matapon ang inumin ko ng bigla akong halikan ni Sky sa noo. So magkasama ang dalawang ito dito.
"Anung ginagawa ninyong dalawa dito?" Nagtatakang tanong ko kay Rowella.
"Ahm.." nagkatinginan ang dalawa. "Ahm..ikaw? Bakit ka nandito ha?" Tanong ni Rowella sa akin at tiningnan si Romeo.
"Ahh, guys, this is Romeo. He's a bartender here.." nag-shake hands ang tatlo. "Im on a vacation Rowella together with Lemuel's family. Im sorry, hindi ako nakatawag. Biglaan kasi.." hinawakan ko ang kamay ni Rowella. Alam nito ang set up namin ni Lemuel.
"That's okay. Where's Lemuel?" Nagkanda haba ang leeg nito sa kakahanap kay Lemuel.
"He's not here, bakit ngaba nandito kayo Rowella?"balik tanong ko dito ng hindi niya ako sagutin kanina.
"Let's talk about it some other time Ara. Let's drink. Beb, nakaorder ka na? Wait Ara ha? Mag-oorder lang kami.." sabi nito at hinila na si Sky papunta sa kabilang counter. Hindi pa siguro nakakain ang dalawa.
"Im sorry for that Romeo. Ang gugulo lang talaga ng mga yun.." sabi ko at nginitian si Romeo.
"That's okay. They're your friends anyway. Whose Lemuel?"
"Ahh. A close friend of mine. Lets drink?"
Napadami ang inom ko kaya napapalakas na rin ang tawa ko sa mga kinukwento ni Romeo. He is a good company. Nawala saglit sa isip ko ang mga nangyari ngayong araw. Nakalimutan ko saglit si Lemuel. Plus, Rowella and Sky is here, kaya nadagdagan ang saya. Its 9 in the evening pero parang natatamaan na ako.
BINABASA MO ANG
Change
RomansaAra is innocent and fragile but because of living with her long time crush that accidentally made her pregnant, her personality changed. From being innocent and simple girl, she became wild and carefree. What would Lemuel do if he was the reason wh...