We went home after 2 days of staying in the hospital. Pagdating namin sa bahay ay inilagay kaagad namin si Angel sa bagong kwarto niya. We actually made this room 1 week ago. Tinulungan ako ni Rowella at ni Mommy Cha ang lock it after para hindi makita ni Lemuel. And I knew he was suprised when he first knew that our child is a girl.
It was actually a purple room. Favorite color kasi iyon ni Mommy Cha at Rowella. Sila kasi ang bumili ng mga gamit at nagdecorate ng room ni Angel. Sisingilin daw nila si Lemuel pagkatapos nito.
Angel was sleeping peacefully in her purple bed. "Wow, now that's purple.." sabi ni Lemuel at iginala ang paningin sa loob ng kwarto.
"Mom and Rowella did this, para maiba naman daw kung puro nalang pink.." nakatawang sabi ko at umupo sa tabi ng natutulog na Angel.
"She really looks like you Ara.." sabi nito sa akin at tiningnan si Angel.
"I know but she got her eyes from you.." sabi ko at hinaplos ang pisnge ng baby.
"Thank you Ara.." sabi ni Lemuel at napatingin ako sa kanya. "Thank you for bringing Angel to our life.." sabi nito at hinawakan ang kamay ko. Ngumiti lang ako sa kanya. Masaya rin ako ng una kong makita ang anak ko. Naramdaman ko ang pagiging ina ko nang makita ko siya. Im so lucky to be the mother of this beautiful baby. Ang puti nito at namumula pa ang magkabilang pisnge.
"She's so beautiful.." nasabi ko nalang at hinalikan ang noo nito. Tumabi naman ng higa si Lemuel sa tabi ng baby.
Ngumiti ito at tumingin sa akin. "I guessed magiging inspired ako nitong kumuha ng Licensure Exam. This little baby here would be my lucky charm.." sabi nito at hinalikan ang anak sa pisnge. Napangiti nalang ako sa sinabi niya.
"Goodluck for your exam Lemuel.." sabi ko nalang dito. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan din iyon. Nagulat ako sa ginawa niya. Nagdala iyon ng kakaibang kilig sa sarili ko.
"Im lucky to have two beautiful girls here with me.." sabi pa nito. Grabe! Kinikilig na talaga ako. Pero naalala kong may Dianne ito. Kaya nga hindi ka niya na nadaluhan sa panganganak mo! Diba nga dahil nanggaling siya sa kerida niya! Sigaw ng utak niya. Nawala ang ngiti ko at biglang nabawi ko ang kamay sa pagkahawak niya.
"Where's that Angel of us?" Biglang sumulpot si Mommy Cha sa kwarto. Napatuwid ako ng upo at sinalubong ito ng halik sa pisnge. Hinalikan din ni Mom si Lemuel sa pisnge at tiningnan na nito si Angel na natutulog.
"Oh my, she looks like me.." sabi nito. I rolled my eyes na napatawa kay Lemuel.
"Ayan ka na naman. Lahat nalang kamukha mo.." nagulat ako kay Dad na nakasunod lang pala kay Mommy Cha. "Dati, sinabi mo ring kamukha mo si Ara.." sabi pa nito. Inungusan lang ito ni Mommy Cha. Napangiti nalang ako.
"Ganyan talaga. Basta maganda kamukha ko.." kaswal na sabi nito at napatawa na ako kay Mom.
Napatigil naman kami nang tumunog ang cellphone ni Lemuel. "Excuse me.." sabi nito at lumabas. Sinundan ko nalang siya ng tingin at nahulaan kong si Dianne iyon.
"Mom, just give me a minute ipagtitimpla ko lang ng gatas si Angel.." sabi ko at tumayo but I actually want to eavesdrop in the conversation of Lemuel and Dianne.
"But I thought youre breast-feeding?" Namula ako sa sinabi ni Mom. I know, its natural pero nahihiya pa rin ako.
"Mom! Magbe-breast-feed lang ako pag wala kayo dito.." sabi ko dito na namumula pa rin.
"Sus, nahiya ka pa.." Mom chuckled at sinubukang kargahin si Angel.
"Mom, natutulog si Angel, magigising yan mamaya pag binuhat mo.." sabi ko dito. Tiningnan niya ako ng masama. "Key, bye!" Sabi ko nalang dito at bumaba na.
Dahan-dahan akong pumunta ng kusina at bingo! Nasa labas nga siya ng kusina. Kunwaring kumuha ako ng gatas at tinimpla iyon.
"Ill see you tommorow. Hindi pa ako makakaalis ngayon. Kakarating lang namin dito sa bahay.." narinig kong sabi ni Lemuel.
"No, ako nalang ang pupunta sa inyo. Wag dito.." narinig kong sabi ulit ni Lemuel. Mabuti naman at hindi niya pinapapunta ang babae niya dito.
"Is it done?" Nagulat ako ng sumulpot si Dad sa kusina. Hinarap ko ito at ngumiti. "Angel is crying so we thought maybe she's hungry. Tapos ka na ba jan?" Tanong ulit ni Dad.
"Yes Dad. Susunod na po ako.." sabi ko at hinawakan na ang bote. Pumasok naman si Lemuel sa kusina.
"What's up?" Tanong nito na at tumingin sa amin ni Dad.
"Ahm, ipinagtimpla ko lang si Angel.." sabi ko at naglakad na para umakyat sa itaas. Sumunod naman silang dalawa sa akin.
So, Dianne really want to ruin our marriage. Wala na itong pakielam kung may masaktan man itong iba. Well, I wont give up Lemuel for her. Kabit lang siya at ako ang tunay na asawa. But will ever Lemuel choose me than Dianne? Mahal niya si Dianne pero ako ang asawa at may anak kami. Will he ever choose us than the one he love?
A month had passed at hindi naman nagkulang si Lemuel sa pag-aalaga sa amin and these week will be his Licensure exam. Mahaba-habang review ang ginawa niya at alam kung maipapasa niya ang iyon. Bukod doon ay talagang matalino ito. Umalis muna ito at mawawala ng dalawang araw kaya pansamantalang nandito si Rowella para samahan kami.
"Wel, sorry ha? Naistorbo ka pa.." sabi ko habang pinapadide si Angel.
"Hay naku! Pasalamat ka, may bestfriend kang katulad ko. Beauty and brain and kind but not talented.." napatawa ito sa sariling sinabi. Ngumiti lang ako at napatigil ito sa pagtawa. "Okay, may bumabantay naman kasi sa shop kaya okay namang mawala ako doon.." kaswal na sabi nito.
Rowella owned a shop. Architecture din ang kinuha nito pero wala siyang hilig magplanu at magdecorate ng mga bahay. She actually love paintings, hindi ko nga alam bakit architecture ang kinuha nitong kurso. Kaya nang makagraduate ay nagpatayo nalang siya ng shop for tshirt printing, cross-titches, embroidery at kung anu-anu pang mga pangbutinting sa mga bags na may mga drawing niya. It so simple when you look at it but it can actually made your thing pleasant to see kung nakakabit ito sa bags or cellphones. She also sells her own hand-paintings. Mga kaartihan niya.
"I made a bracelet for Angel, naiwan ko ngalang sa condo and I embroidered a purple bonnet for her. Cute-cute kaya nun, nilagyan ko ng pangalan niya.." sabi nito na nilaro na si Angel.
Hinawakan ko ang kamay ni Angel at mahinang pinaypay iyon kay Rowella, "Thank you ninang.." sabi ko na nakangiti. Ngumiti rin ito kaya napatawa kami ni Rowella.
"Kamusta naman kayo ni Lemuel baby girl.." tanong nito sa akin.
I release a deep sigh and smile. "Were good Wel, he's so caring. Hindi naman siya nagkulang sa pag-aalaga sa amin ni Angel.." hindi ko sasabihin kay Rowella na may isang Dianne na nakahandang sumira sa amin. Ako ang dapat na kumilos para dito.
"Yes, I can see that.." nakangiting sabi ni Rowella sa akin. Ngumiti din ako para itago ang pangambang nararamdaman ko para sa amin ni Lemuel. I will never ever let that Dianne ruin our marriage.

BINABASA MO ANG
Change
Roman d'amourAra is innocent and fragile but because of living with her long time crush that accidentally made her pregnant, her personality changed. From being innocent and simple girl, she became wild and carefree. What would Lemuel do if he was the reason wh...