Malapit na ang 1st birthday ni Angel. She's 11 months old now. Ang bilis niyang lumaki at tuwang tuwa ako dahil palangiti siya. She has a shoulder length straight black hair at lalong naging asul ang mga mata nito. She's looking so pretty in her own way at mukha talaga siyang anghel.
Pinag-uusapan namin ang magiging birthday celebration ni Angel at nakiusap si Lemuel na siya na lang daw ang mag-aayos nito. Siya ang magpaplano ng lahat para sa anak niya dahil 1st birthday ni baby ito. Napilitan akong pumayag. Inisip ko na ako naman ang palaging kasama ni Angel, siguro bumabawi naman si Lemuel.
The celebration will be at our old house. Hindi sana ako papayag pero baka isipin nitong ang naapektuhan pa rin ako sa mga nangyari sa amin. It has an effect, but I am doing my best to forget everything and totally move on. Kaya pumayag ako at isasampal ko sa mukha nila ni Dianne na hindi ako naapektuhan. But God help me, ayokong kainin ang sariling sinabi.
After a week ay naging busy na kami sa pagprepare ng celebration. It will be a tinker bell party where you can see true fireflies na inilagay sa mga maliliit na botilya at isasabit ito sa mga puno. My Angel will wear a green dress at lalagyan ito ng pakpak na parang fairy. Meron ring pinasadyang ipinagawang sapatos ito na merong parang maliit na cotton sa toktok nun, parang sapatos ni tinkerbell.
Iginala ko si Angel sa venue ng birthday celebration. Natutuwa ito sa mga fireflies. Pakakawalan kasi lahat yun sa program na gaganapin sa birthday niya. Lemuel spent really hard for this celebration. Sa mga fireflies palang eh talagang malaki ang ibinayad niya sa pagpahuli nun.
"You like it?" Tanong ko kay Angel. Hinahawakan ko ang kamay nito at pinapatong sa botilya ng mga fireflies. Ngumingiti lang ito habang mahinang pinapalo ang bote.
Iginala ko ang mata sa paligid. Tonight will be a big day for us. Birthday ng anak ko at malaking selebrasyon ang hinanda ni Lemuel. He really love Angel so much. Mabuti nalang mahal nito ang anak at binibigay nito ang mga kinakailangan ni Angel. Pero ako, pinagkaitan nit ako ng pagmamahal at naghihinagpis pa rin ako para doon."Our Angel is enjoying huh?" Nagulat ako kay Lemuel ng marinig kong nagsalita ito. Hinawakan nito ang kamay ni Angel at tumingin sa akin. Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin.
"Yes, I guessed so. She love to see the fireflies.." sabi ko at iginala ang paningin sa paligid.
"Ara, thank you.."
Nagulat akong napatingin kay Lemuel. Hinahawakan pa rin nito ang kamay ni Angel. "Thank you for what?" Nagtatakang tanong ko dito.
"Thank you for letting me do this for Angel.."
Tumango lang ako at dinala na si Angel sa loob ng bahay. Nang makapasok ako sa back door ng bahay at marating ang kusina ay bumalik ang mga alaala sa isip ko. This house brought a lot of memories to us, serves as our home noong unang pagsasama ni Lemuel. Pero ko din naranasan ang pinakamasakit na nangyari sa akin. Umiling ako at niyakap si Angel."Do you remember this place baby? Ito ang bahay natin dati.." sabi ko kay Angel na tumitingin din kung saan. Napangiti ako sa ginawa nito.
Nagsimula na ang party. Niyaya ko ang buong team at ang magkasintahang Rowella at Sky. Ang daming bisita na dala-dala ang kanya-kanyang mga anak dahil children's party naman ito. Gabi ngalang dahil busy rin naman sila pag umaga.
Nasa bukana kami ng garden kung saan gaganapin ang party. We welcome the visitors, hawak ko si Angel na hindi mapigilang ngumiti pag binabati ito ng bisita."Happy birthday Angel!" Bati ni Rowella at pagigil na hinalikan si Angel sa pisnge. Hinawakan naman ng anak ko ang pisnge nito.
"Thank you ninang.." sabi ko at bumeso dito."Mabuti naman nakapunta ka ganda.." sabi ko dito at bumeso din kay Sky.
BINABASA MO ANG
Change
RomantikAra is innocent and fragile but because of living with her long time crush that accidentally made her pregnant, her personality changed. From being innocent and simple girl, she became wild and carefree. What would Lemuel do if he was the reason wh...