Months had passed at nangyayari ang mga kinatatakutan ko. Minsan nalang umuuwi si Lemuel. Kung umuuwi naman ito ay tudo asikaso ko pero binabaliwa nito iyon. Umuuwi ito para makita si Angel at mawawala na naman. I cook for him always pero hindi na niya kinakain. I tried to talk to him pero iniiwasan niya ako. Wala na akong magawa kundi ang umiyak ng umiyak.
Umaga akong nagising isang araw dahil umuwi si Lemuel kagabi. Lasing ito at hindi ko makausap. Nagluto ako ng paborito nitong tapa na baka para sa umagahan namin. Inilagay ko na muna si Angel sa crib nito para makapagluto ako.
Naalala kong birthday pala ni Mommy Cha ngayon. Kaya masigla akong pumunta sa telepono para tawagan ito. Pero napatigil ako nang iangat ko ang aparato. May kausap si Lemuel. Naririnig ko iyon dahil nakaconect ang telephone na nasa itaas sa teleponong nandito sa ibaba.
"Yes hon, Im waiting for the best timing para iwan siya.." nayanig ang mundo ko sa narinig. No! It cant be! Tumulo ang luha ko. Pero nanatili akong tahimik.
"You better hurry hon. Uuwi na sina Mommy. They would like to meet you. Anyways, they'll staying here for good. Kaya ayokong malaman nila ang sitwasyon nating dalawa.." sabi pa nito na lalong nagpaguho sa mundo ko. Ibinaba ko nalang ang telephone at inihanda ang sarili. Kakausapin ko si Lemuel. Kailangang pigilan ko sila.
Pinigilan ko ang pagbabadya ng mga luha ko. Nang makita ko si Lemuel na bumaba ay parang naurong ang dila ko. Bihis na bihis na naman ito. Nilagpasan niya lang ako. No! Hindi pwede! Kailangang makausap ko siya.
"L-Lemuel.." tawag ko dito. Tumigil naman ito sa paghakbang at tumingin sa akin. I meet his cold blue eyes at parang maluluha na naman ako.
"What?" Malamig na sabi nito.
"Can we talk?" Sabi ko dito na pilit na pinipigilan ang pag-iyak.
"Can we do it later? May pupuntahan pa ako.." sabi nito at umiwas ng tingin.
"Birthday ni Mommy-" sabi ko at hindi ko na mapigilan ang pagsigok. Tinakpan ko ang mga bibig ko.
"Then we'll talk tommorow.." walang ganang sabi nito sa akin.
"Hindi ka ba aatend sa birthday party ni Mommy Cha?" Sabi ko dito. Kahit masakit na ang dibdib ko, hindi ko pa rin siya kayang singhalan at kamuhian. Ganun ko siya ka mahal. Siguro manhid na talaga ako.
"May pupuntahan ako Ara, pero susubukan kong umabot, can I leave now?" Naiiritang tanong nito sa akin. Ang sakit. Ang sakit-sakit sa puso.
Tumango nalang ako at tumalikod. Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko. Maya-maya ay narinig ko nang humarurot ang kotse nito. Bigla akong napaupo at umiyak. Tahimik akong umiyak at pinuntahan si Angel nang marinig ko itong umiyak. Dinadamayan ako ng anak ko. Niyakap ko lang ito. She's my only strength, she is my only treasure.
Pumunta ako sa birthday party ni Mommy Cha. Pinilit kong maging masaya. Nandoon din si Rowella. Pinag-agawan nila si Baby Angel. Nakakakita na kasi ito at palangiti. I look at Angel na buhat ni Mommy Cha. She's smiling. She's so beautiful. Umalis ako sa garden kung nasaan ang party at pumunta sa poolside. Inilublob ko ang mga paa ko sa tubig.
Lemuel cant leave me. Oh Lord! Hindi ko kaya. Bigla na naman akong napaiyak. Masakit sa akin ang pagiging malamig nito. Binabaliwala niya ako. Talagang iiwan na niya kami ni Angel.
"So there you are, silently weeping again.." narinig kong sabi ni Rowella. Tumayo ako at yumakap dito.
"Im giving up. Ayoko na. Ang sakit-sakit.." humihikbing sabi ko kay Rowella.
"No, I wont let you Ara, ano ang gusto mo? Pagpapakasaya nalang sila? At ikaw ang nasasaktan?" Nanggigil na sabi nito sa akin. "Stop being naive Ara! Its time for you to use your charm! Ipakita mo kay Lemuel na hindi ka karapat dapat na iwanan. Remember? You have a child! Mistress lang yang Dianne na yan! Ikaw ang asawa..Ipaglaban mo siya!"
"But Lemuel doesnt want me Wel. He love Dianne.." sabi ko na nakayakap pa rin sa kanya
"You should try Ara. Para kay Angel.." sabi nito at hinimas ang likod ko. Nabuhay ang dugo ko ng marinig ko ang pangalan ng anak ko. Tama, for Angel. Gagawin ko lang to para sa anak ko.
Hinintay ko si Lemuel na makarating sa party ni Mommy Cha pero ni anino nito ay hindi ko nakita.
"Anak, nasaan na si Lemuel? Hindi siya dumating dito.." himig na tumatampo si Mommy Cha. Sa halos isang taon na pagsasama namin ni Lemuel ay napalapit na ito sa asawa ko. Mabait naman kasi si Lemuel. Malapit siya kay Mommy dahil siguro nakita nito ang ina kay Mommy Cha.
"Ahm. Nagtext siya Mom. Napagod daw kaya dumiritso nalang sa bahay. At anung oras na po dito nalang po kami matutulog.." pagsisinungaling ko kay Mom.
"Aay, sayang. Mas masaya sana kung nandito siya, maglalaro sana tayo ng volleyball doon sa garden.." sabi nito na hinalikan si Angel na natutulog na sa balikat ko.
"Mom? Hello? Gabi na kaya. At lasing ka. Matulog ka na Mom.." sabi ko ng maamoy ko ang wine sa bibig nito.
"Hala lasing daw, hindi kaya. Walang mag-aalalay sa Dad mo kung lasing ako.." palusot pa nito na nagpupungay na ang mga mata.
I rolled my eyes at hinawakan ito sa braso. Pinuntahan namin ang kinaroonan ni Dad na kasalukuyang nakikipagusap sa mga katrabaho nito.
"Excuse me, Dad, I think Mom is drunk. See?" Sabi ko at tinuro si Mommy Cha. Parang may sariling mundo ito na nakatulala. Parang wala namang ininom si Dad dahil buhay na buhay pa ito.
Dad chuckled at tumayo. "Cha, let go to sleep.." sabi ni Dad at natauhan si Mom.
"Bob, honey. You look handsome today.." sabi pa nito at hinalikan si Dad sa pisnge. Patay na, ang kulit pa naman nito kapag lasing.
"I know, lets go now.." nakangiting sabi ni Dad at hinawakan na nito si Mom sa baywang.
"Where are we going honey?" Nagtatakang tanong nito. Napatawa ako kay Mom.
"Sleep.." maikling sabi ni Dad. Nakatitig dito si Mom at nakasalubong ang kilay.
"Why sleep? Its still early. Lets drink more, its my birthday anyway.." sabi nito at kumalas na pagkakayakap ni Dad. "Hi! Visitors! Nag-eenjoy ba kayo?"
"Hey Cha! Happy birthday again.." sabi naman ng mga katrabaho ni Dad. Kinarga ito ni Dad at naglakad na papasok ng bahay. Kinarga niya ito na parang isang sako ng bigas.
"Hey! Bob, put me down honey please.." pakiusap ni Mommy Cha. Napatawa ako sa kanila, binalingan niya ako at tinaasan ng kilay. "What are you laughing at? You think this is funny?" Sabi pa nito na nagpalakas lang sa tawa ko.
"Dad, mauna na po ako, nakatulog na si Angel eh. Goodnight Dad. Say my goodnight to Mom, I think nakatulog na siya" sabi ko kay Dad. Grabe, nakatulog siya sa ganoong position?
"Okay 'nak. Ako nang bahala dito sa Mommy mo.." Sabi nito at kinarga na sa mga bisig nito si Mommy Cha. "I'll undress her later and take some pictures, para alam niya kung paano siya malasing.." sabi ni Dad na humihingal na. Napangiti ako kay Dad. Mabuti pa sila Mommy Cha at Dad. Maganda ang pagsasama nila.
"Oh Dad! I almost forgot. Pwedi bang dito na muna bukas si Angel? May aasikasuhin lang kasi ako Dad. Babalikan ko nalang siya sa susunod na araw baka gabi na akong makauwi bukas eh.." sabi ko kay Dad at hinaplos ang buhok ni Angel.
"Okay, no problem.." sabi naman ni Dad at dumiritso na ako sa kwarto ko. Inilapag ko si Angel sa kama at nagbihis naman ako. Tommorow will be a big day. I hope maisakatuparan ko ang planu ko. I hope Lemuel will change his mind. I cant afford to loose him. Ayaw ko siyang mawala sa amin ng anak ko. So, I'll make sure he will stay para sa anak ko. God bless me, sana maging maayos ang naghihintay na bukas sa akin.
Tinawagan ko si Rowella. "Wel, samahan mo ko bukas.."
To be continued....

BINABASA MO ANG
Change
RomanceAra is innocent and fragile but because of living with her long time crush that accidentally made her pregnant, her personality changed. From being innocent and simple girl, she became wild and carefree. What would Lemuel do if he was the reason wh...